Kinabukasan. Ganoon pa rin si Lyree kay Dion ni hindi niya ito pinapansin maski ano ang gawin ng huli ay walang epekto kay juntis. Wala nang nagawa pa si Dion kung hindi amuin nang amuin si juntis, nag- aalala ito baka ang pagtatampo nito ay makakaapekto sa triplets. Nagulat pa si Lyrew nang may biglang dumating na kanilang bisita. Isang matangkad, maputi at magandang babae. Anong pagkit ang pagkakatitig ni Lyree sa babae, kumukulo ang kanyang dugo at nanginginig ang kanyang mga kalamnan sa presensiya ng babae. "I'm looking for Dion, may personal meet up kami today and he said mas tahimik dito sa resort. Paparating na din ang aming mga kasama para sa meet up." Sabi ng babae. "And you are?" tanong na sagot ni Lyree. "Partner niya sa negosyo and his friend since high school." Nakangiting