Napapangiti naman si Yaya Carmen sa tuwing pinagmamasdan niya ang katakawan ni Neptali. May napapansin na siya subalit ayaw niya lang sabihin at baka ma- spoil ang lahat. Hahayaan niyang ang kanyang Senyorito ang makatuklas sa lihim ni Neptali na alam niyang kalaunan ay hindi na niya ito maitatago pa. Masaya naman si Yaya Carmen para sa kanyang alaga umaasa itong natagpuan na nga nito ang tunay na makakasama niya habang buhay. Habang sina Dion at Neptali ay binisita ang warehouse kung nasaan ang pamilya ni Paeng pagkatapos ng umagahan. Isinama din nila si Marga upang makapag-usap ang dalawang magsing- irog. Masinsinang nag-usap sina Dion at ang ama ni Paeng na isa palang Agoncillo subalit hindi niya ginamit ito dahil sa banta ng anumang panganib na darating. Si Neptali naman ay naglakad -