Saka lang mahinahong kinausap ni Marga si Neptali nang tumahan na ito sa pag-iyak. Nagulat pa nga ang dalaga nang makitang magsama ulit ang magkasintahan. "Kayo na naman ulit?" tanong ni Neptali kina Marga at Paeng habang nagpupunas ito nang luha. Kimi namang ngumiti si Marga na noon lang nito ginawa dahil nga boyish ang mga galawan ng dalaga. Hindi mahinhin kung kumilos maging ang pananalita nito bagkus ay magaspang at magaslaw. Kabaliktaran sa talagang galawan ng isang babae na animo kagalang-galang dahil nga sa kahinhinan. "Nagkasundo kami ulit, nagkatampuhan lang magaling siyang mambola eh kaya nabola na niya ako ulit." Paliwanag ni Marga. Napalabi si Neptali at naiiyak na naman. "Idinamay niyo pa ako sa ka-dramahan niyo tapos noong malungkot na ako saka kayo nagkabati. Napaka-unf