Tinawagan ni Dion si Spencer upang magkita silang dalawa. Nagtataka man si Spencer ay pinagbigyan niya ang kanyang kapatid matagal na din silang hindi nagkaka- bonding dahil sa mga nangyari. May mga kanya-kanya silang ginagawa upang mapaghandaan at malinlang ang kanilang mga kalaban. "What's up brother!" agad na sabi ni Spencer nang makaupo ito sa harapan ng kanyang kuya. Nasa golf gym silang dalawa na kanilang pagmamay- ari. Naghahanda naman si Dion upang maglaro silang dalawa. "Kapatid, noong bago pa kayo ni Strawberry hindi ba siya toyoin?" tanong naman ni Dion. Naaawang ang labi ni Spencer parang may naaamoy na nga siya. Kapagkuwan ay napangisi, tuluyan na nga silang hindi naglaro bagkus ay sumalampak na lang sila sa pinakadamo ng golf gym. Bumuga nang hangin si Spencer saka tuming