"Neptali!" sigaw ng isang tinig sa may hindi kalayuan. Napatigil sa paglalakad sina Dion at sabay-sabay silang lumingon sa may- ari ng tinig. Nanlaki ang mga mata ni Neptali nang makilala nito kung sino ang tumawag sa kanyang pangalan. Mabilis itong nagtago sa likuran ni Dion at takot na takot. Lumapit naman ang tatlong kalalakihan sa kinaroroonan nina Dion. Pati sina Marga at Paeng ay medyo napaatras na rin. Good thing naman dahil nasa harapan lang sila ng sasakyan ni Dion. Katunayan nga ay papauwi na sana ng mga ito dahil nabili na nila ang lahat ng mga kailangan sa resort pati na ang mga gamit ni Neptali. "Huwag mo akong ibigay sa kanila," nahihintakutang wika ni Neptali. Kalmado naman si Dion at sinulyapan niya ang sasakyang nasa kanan ng parking lot. Sumenyas si Dion na bumaba ang