C-9: Pasaway na dalaga

1569 Words

Dalawang araw na hindi bumalik si Dion sa resort. Magkahalong hiya at inis kasi ang nararamdaman nito dahil sa nagawa niya roon. Nagpalamig muna siya at sakto namang naging busy ito sa dalawang araw. Tiniis din muna niyang makakasalamuha si Tylane sa kanyang bahay at magkabukod sila ng kwarto. Hindi niya ito pinapakialaman kahit na palagi na namang umiinom ng alak. Minsan hindi na lang lumalabas si Dion or nagpapagabi siya sa labas. Paminsan-minsan din itong natutulog sa Mansyon nila kapag talagang hindi nito masikmurang kasama si Tylane. Nalulungkot naman si Aling Carmen sa estado nina Dion at Tylane subalit wala ito sa oposisyong kuwestyunin ang dalawa. "Senyorito, tumawag si Raul mula sa resort, paubos na raw ang stock nila doon." Pagbibigay alam ni Aling Carmen kay Dion isang umaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD