Nakita ni Neptali na tila hindi maganda ang mood ni Dion pagkarating nito sa resort. Tulog na ang mga kasama ng dalaga at siya na lang nasa lagoon. Tumayo ang dalaga dahil nagtataka ito kung bakit sumugod nang gabing- gabi ang lalaki. Malapit na si Neptali sa kinaroroonan ni Dion nang mapansin nitong sumusuray ito kapag naglalakad. "Careful!" wika ni Neptali nang maabutan niya si Dion. Tumigil naman si Dion at pinakatitigan ang dalaga. "Bakit gishing ka pa?" tanong nito. Kiming ngumiti si Neptali dahil lasing nga si Dion. "Pasok na tayo sa loob," bagkus ay iyon ang sinabi ng dalaga saka inalalayan si Dion papasok. Napangiwi pa si Neptali nang mapaupo niya si Dion sa may sofa dahil mabigat ang lalaki. "Sandali lang kukuha ako ng pampunas ko sa'yo!" sabi ni Neptali. Mabilis na hinawa