Nataranta si Aling Carmen nang maulinigan niya ang boses ni Tylane. Kasalukuyang naglalagay ng baked macaroni ang Ginang ss isang baonang plastic.
"Aling Carmen, there you are!" wika ni Tylane nang makita nito ang Ginang.
"Nakalabas ka na pala mula sa hospital, alam ba ito ng asawa mo?" pilit ikinubli ni Aling Carmen ang pagkataranta nito.
"Hindi but my parents are here! Sa akin ba 'yan, mukhang masarap ah!" Sagot ni Tylane at sa baunan naka- sentro ang mga mata nito.
"Ha?! Ah...oo! Dadalhin ko sana sa may hospital," tugon ni Aling Carmen.
"Ay, ang sweet mo naman Aling Carmen thank you!" pabebeng wika ni Tylane.
Ngumiti lang si Aling Carmen pero ang totoo para sana 'yon kay Neptali bilin ni Dion bago umalis.
Tinikman naman ni Tylane ang baked macaroni saka tumango -tango.
"Yummy!"
"Nasaan nga pala ang parents mo, sabi mo narito sila?" kapagkuwan ay tanong ni Aling Carmen.
"Oh...nasa sala pala sila!" bulalas ni Tylane sabay tayo.
"Bigyan mo na lang kami roon, Aling Carmen!" bilin ni Tylane at lumabas na ito ng kusina.
Nakahinga naman nang maluwag si Aling Carmen, panigurado niyang hindi magugustuhan ni Dion ang presensiya ng asawa nito lalo pa't kasama ang magulang nito. Mabilis namang tumalima si Aling Carmen upang bigyan ng meryenda ang kanilang mga bisita. May pinuntahan kasi si Dion sa Mansyon na nila bago ito pumunta ng private resort.
Nginitian ni Aling Carmen ang nga magulang ni Tylane at binati subalit tipid na ngiti lamang ang tanging isinukli ng mag- asawa. Hindi na nag- expect pa si Aling Carmen dahil alam naman niyang matapobre ang mga ito. Tahimik na lamang itong nagbalik sa may kusina.
Nagtataka naman si Dion nang matanawan nito ang isang kotse na hindi pamilyar sa kanya.
"Kaninong sasakyan 'yan?" agad na tanong ni Dion sa mga guards ng kanyang bahay.
"Kay Ma'am Tylane Senyorito kasama niya ang kanyang mga magulang." Sagot ni Fidel isa sa security guards ng kanyang bahay.
"What?!" bulalas ni Dion saka nito nakamot ang sariling batok.
Nakunot-noong pumasok si Dion sa loob, naroon nga ang magaling niyang asawa at mukhang masayang- masaya pa.
"Oh...honey!" malakas na wika ni Tylane nang malingunan nito si Dion.
Agad na tumayo ito at niyakap ang asawa saka hinagkan sa labi. Iiwaa sana si Dion subalit pinandilatan ito ni Tylane. Walang nagawa si Dion kundi ang sakyan na lamang ang pagpapanggap ng kanyang asawa.
"Mabuti naman at nakita ka na rin namin, super busy ka yata." Sabi naman ng Papa ni Tylane.
Pilit ngumiti si Dion at nagmano ito sa kanyang mga biyenan as a gesture of respect. Kahit labag na sana sa kanyang kalooban dahil malapit naman na silang maghihiwalay ni Tylane.
"I'm sorry, sobrang busy talaga!" sagot ni Dion pagka- upo nito.
"Kaya napapabayaan mo na ang iyong asawa, imbes na gagawa na kayo ng aming apo." Sabi naman ng Ina ni Tylane.
Napaubo tuloy si Dion at pilit ikinubli ang laking dismaya nito sa sinabi ng Ginang.
"Korek! Kaya pinaresetahan namin siya ng gamot para mabilis siyang mabuntis." Turan ng Papa ni Tylane.
Mabilis na napatingin si Dion sa mukha ni Tylane na waring nagtatanong. Ngumiti lang si Tylane kay Dion at sumandal ito sa balikat ng asawa.
"Mukhang hindi ka natutuwa Dion? Sinong magmamana sa mga kayamanan niyo kung hindi kayo magkakaanak ni Tylane?"
Napalunok si Dion saka ito napakurap-kurap.
"Darating po kami riyan," mahinang sagot nito.
Napangisi naman si Teodoro, Papa ni Tylane.
"Kailan pa? Aba, 'yong batang asawa ng kapatid mo triplets agad. Dapat kambal naman sa inyo ni Tylane, humabol naman kayo. Para ka namang hindi Agoncillo!" ani nito.
Malapit nang masagad si Dion, hindi lang kasi niya gusto ang pagka- prangka ng kanyang biyenang lalaki. At walang sinumang mangangahas na pangunahan ang isang Agoncillo. Nagkataon lamang na hindi si Tylane ang gusto niyang magdala ng kanyang laman at dugo.
"Papa, stop it! Pine- pressure niyo namang maigi si Dion." Saway naman ni Tylane sa ama.
"Nagpapaalala lang ako sa inyo anak, hindi na kayo bumabata." Katwiran naman ni Teodoro.
"Tama na nga 'yan, hindi ba may meeting ka pang pupuntahan?" saway naman ni Connie, Mama ni Tylane.
"Okay! Sige, mauuna na kami Dion. Inihatid lang namin itong si Tylane dahil parang wala siyang sundo kanina pagka- discharge nito sa hospital." Sabi naman ni Teodoro.
"Surprised nga Papa, ikaw naman!" himutok ni Tylane sabay yakap sa braso ni Dion.
Naibadbaran naman si Dion sa mga kapit talangkang gesture ni Tylane. Kapagkuwan ay tumayo na ang mga magulang ni Tylane at nagpaalam na sa mag- asawa. Magalang namang inihatid ng mga ito ni Dion hanggang sa may pinto. Pagkalabas ng sasakyan ng mga magulang ni Tylane ay agad ipiniksi ni Dion ang braso nitong hawak ng kanyang asawa.
"Bakit dito ka dumiretso?" malamig na tanong nito kay Tylane at naglakad pabalik sa loob.
"Alangan sa condo ko, magtataka sila at magtatanong nang walang katapusan. I covered up about us, nag- usap na tayo hindi ba?" sagot ni Tylane habang sinusundan nito si Dion.
"Shut up! Kailan pa ako pumayag?" marahas na turan ni Dion pagkaharap nito sa asawa.
"Dion naman eh! Bumabawi ako sa'yo, please give me a second chance please?"
"A second chance? No, wala ng patutunguhan ang relasyong ito Tylane. Admit it, and tell them the whole truth!"
"Paano? Hindi pa nga ako handa hindi ba? Ito ba ang ibubungad mo sa akin, away ha? Look, peaceful akong nagbalik dito sa bahay natin tapos ikaw mang- aaway lang?" wika ni Tylane habang nakapameywang.
At iyon ang ayaw ni Dion dito, hindi mo makikita ang sinseridad sa mga sinasabi nito ayon sa kanyang kilos.
"Puwes, ihanda mo na ang iyong sarili. Because I don't want to hide the truth anymore, do you understand?"
Tumalikod si Tylane at napasabunot sa sariling buhok.
"I'm ready to change, kung kailangang gagayahin ko si Strawberry gagawin ko. The way she acts, her looks, behavior and all of her just give me a second chance!" giit ni Tylane saka muling hinarap si Dion.
Napailing-iling naman si Dion at matamang tinitigan si Tylane.
"You can never be Strawberry, you can't copy her personality. Strawberry is unique beautiful with a mission and a heart, hindi kagaya mo copy cat!" mariing sabi ni Dion.
Lumaki- laki naman ang butas ng ilong ni Tylane nagbabadya itong sumabog subalit pinilit nitong maging mahinahon.
"Puwes, magmamatigasan tayong dalawa. You can't kicked me out of this house, because what's yours are already mine. Asawa mo ako, legal wife nanumpa tayong dalawa na tanging kamatayan lamang ang siyang makapaghihiwalay sa atin." Seryosong wika ni Tylane at nakipagtitigan kay Dion.
"God! Look how insane you are or probably psycho, lumalabas pa rin kung gaano kaitim ang budhi mo." Hindi makapaniwalang bulalas ni Dion sabay iling.
"You made me like this, ayaw mo akong bigyan ng second chance pra magbago kaya susulitin ko na ang pagiging devil ko." Tahasang wika ni Tylane.
"I don't have time to you! Make sure you are already left when I'm back." Kibit-balikat na turan ni Dion saka nito tinalikuran si Tylane.
"Where are you going?" pahabol na tanong ni Tylane.
"To hell!" pasigaw namang sagot ni Dion at tuluyan na itong lumabas.
Subalit hinabol pa rin ito ni Tylane hanggang sa labas ng pinto.
"Saan ka pupunta? Pupuntahan mo ang babae mo? Pakisabi, mag- iingat siya sa akin Dion!" sigaw ni Tylane.
Subalit hindi ito pinansin pa ni Dion na tuloy-tuloy lang sa sasakyan nito. Naiwan naman si Tylane na nagngitngingit sa galit at inis. Naalala niya ang sinabi ng bestfriend niyang si Rina, na kailangan niyang alamin kung may babae nga ba si Dion. Nang sa ganoon, ito ang magsisilbing alas niya sa pag- blackmail sa kanyang asawa. Dahil naipangako ni Tylane na hindi ito papayag na siya lamang ang hindi masisira ang buhay, idadamay niya lahat pati na ang mag- asawang Strawberry at Spencer. Kung hindi rin lang siya sasaya, idadamay na lamang niya ang lahat para fair sila. Hindi ito makakapayag na siya lamang ang maiiwang luhaan, nasa kanya pa rin ang huling halakhak.