C-6: Getting to know you?

1207 Words
Halos mahilo si Dion sa kakasunod nito kay Kashimira. Tila hindi ito napapagod sa kakatakbo samantalang may ballet pa ang mga ito. Para ring hindi nabubusog ang bata at lahat ng pagkain ay nilantakan pagkatapos ng rehearsal nila. Napapailing na lamang na napapangiti si Dion dahil ganoon naman si Strawberry. Hindi ito mapili sa pagkain katunayan nga masiba ito sa pagkain. Ang kapansin-pansin lang hindi tabain si Strawberry kahit na marami itong kinakain. Marahil dahil bata pa ito at mabilis pa ang mekanismo ng kanyang katawan. "Nagpasaway ba siya?" nakangiting tanong ni Strawberry nang mabuksan ni Dion ang pinto ng kanyang sasakyan. Dion can't help it but to stared Strawberry's angel face then he smiled. "Hindi naman masyado," sagot ni Dion saka ito bumaba. Nagpang- abot ang sasakyan ng dalawa, akala kasi ni Dion ay hindi na makakarating si Strawberry para sunduin ang kanilang munting prinsesa. Kaya nagpasya itong ihatid na lamang sa Mansyon si Kashimira subalit nagkasalubong ang kanilang sinasakyan. Marahan namang binuhat ni Dion si Kashimira dahil nakatulog na ito sa pagod. Inilipat ni Dion sa may kotse ni Strawberry, ipinatong niya ang bata sa kandungan ng Ina nito. Agad na nag- iwas si Dion nang makita niya ang makinis at maputing legs ni Strawberry. Alam niyang namula ang puno ng kanyang tainga at marahil ay nag- blush din siya. "Thank you!" narinig ni Dion na sabi ni Strawberry. "Basta para sa prinsesa ko!" agad namang sagot ni Dion saka ngumiti. "Kaya siguro spoiled ito dahil alam niyang favorite mo siya." Natatawang wika ni Strawberry. "Basta nakikita kong happy ang prinsesa ko, walang hindi imposible!" "Hay...no wonder balang araw bubuntot- buntot na sa'yo ito." Nakatawang sabi ni Strawberry. "Okay lang para may bodyguard ako!" tumawa rin si Dion sabay halik sa noo ni Kashimira. "Bye my princess!" bulong nito. "Sige, sa uulitin Kuya!" paalam naman na ni Strawberry sabay tingin sa driver nito. Tango lang ang isinagot ni Dion, at nanatili itong nakatingin sa sasakyan nina Strawberry hanggang mawala sa paningin nito. Kahit papaano ay naging masaya at magaan ang pakiramdam ni Dion maghapon. Nakalimutan niya pansamantala ang kanyang mga iniisip at problema. Kapagkuwan ay nagpasya itong pumunta ng kanyang private resort kung nasaan ang babaeng kanyang tinulungan. Ilang minuto lang at nakarating na si Dion sa may private resort. Agad itong nag-park saka bumaba ng sasakyan. Nakita niya ang tatlo niyang caretaker. Tatlo lang ang stay in doon, bukod pa ang mga stay out. Kailangan kasing manatiling malinis ang resort upang kahit anong oras na pumunta siya doon ay okay lang. "Good afternoon, Senyorito! Dumating na nga pala 'yong pamangkin ni Aling Carmen kanina. Sabi niya siya raw ang makakasama ni Neptali kapag wala kami." Pagbibigay alam sa kanya ni Mang Raul. "Mabuti naman po kung ganoon. Nasaan si Neptali?" sagot ng binata. "Nasa may dalampasigan po sila kasama si Marga." "Okay!" Naglakad si Dion papunta ng dalampasigan sakto namang pabalik na sina Marga at Neptali sa bahay. Style bungalow iyon na mas marami ang window glass nito. Kaya kahit nasa loob ka ay kitang-kita mo pa rin nang malinaw ang dagat pati na ang kalangitan. "Magandang hapon po, Senyorito! Ako po 'yong pinadala ni Tita Carmen!" agad na bati ni Marga. Ngumiti si Dion. "Alam mo na siguro ang trabaho mo, nasabi na ba ni Aling Carmen?" "Opo!" nahihiyang sagot ni Marga. Binalingan naman ni Dion si Neptali na nakayuko pa rin. Mahaba ang buhok nito at alam niyang hindi nito hahawiin ang nakatabing na buhok sa pisngi nito dahil sa malaking pilat niya. "Are you okay?" tanong ni Dion. "Ha? Ah...oo! Salamat," kiming tugon ni Neptali. "Good! Let's go back," wika ni Dion at nauna na itong naglakad. Nagkatinginan naman sina Marga at Neptali saka nagkangitian. Halos magkaedad lamang ang mga ito kaya agad nagka-palagayang loob. "Anong sabi ng Doctor bago ka na- release?" tanong ni Dion nang silang dalawa na lamang ni Neptali. "More on rest daw ako, then twice a week ang check up ko sa kanya. May kailangan lang daw siyang ma- check sa akin." Mahinang sagot ni Neptali na hindi makatingin kay Dion. "Don't be shy, walang mamimintas sa'yo rito." Wika ni Dion. "Salamat! Kapag magaling na ako, magta-trabaho ako rito para makabayad ako sa',yo." "You don't need to do that, masaya akong makatulong sa iba." Kiming ngumiti si Neptali at nag- angat ito ng mukha saka tumingin kay Dion. "Ang suwerte ng asawa mo sa'yo!" sabi ng dalaga. Natigilan si Dion at napakunot - noo na waring nagtatanong kung bakit alam ng dalaga na may asawa na siya. "Kita naman sa wedding ring mong suot!" nakangiting bigkas ni Neptali nang maintindihan nito ang ibig ipahiwatig ng tingin ni Dion. Pagak na natawa si Dion. "Napaka- observer mo, impressive!" ani nito. Hindi umimik si Neptali at muling napayuko. "Tell me, anong last name mo?" kapagkuwan ay tanong ni Dion. Malungkot na tumingin muli si Neptali kay Dion. "H- Hindi ko kasi alam," paanas nitong sagot. Napagmasdan ni Dion ang dalaga nang mataman. "Even your parents hindi mo rin ba alam?" Marahang tumango si Neptali. "Then how come that you went in that place?" tanong pa rin ni Dion. "Hinahabol ako, kaya tumakbo lang ako nang tumakbo!" "Kilala mo ba kung sino ang mga humahabol sa'yo?" tanong na naman ni Dion. "Kilala ko sila sa pangalan, kasi sabi nila kamag-anak ko raw sila. Pero hindi ako naniniwala, kasi ibinebenta nila ako sa mga parokyano!" halos mangiyak- ngiyak na saad ng dalaga. "What?!" bulalas ni Dion. Hindi makapaniwala si Dion na may tunay ngang kaganapan ang isang pagbebenta sa babae para sa mga parokyano o mga foreigner. "Lagi akong ibinebenta, lagi naman akong nakakatakas. Kung saan-saan ako nagtatago, kapag may nakikilala ako pinagsasamantalahan naman ako. Kaya parang takot na akong magtiwala sa hindi ko talaga kilala!" "Then why did you trust me?" "Ramdam kong mabuti kang tao, iyon ang sinasabi ng puso ko." Walang gatol na sagot ni Neptali. Hindi nakaimik si Dion, kung totoo man ang mga sinasabi ni Neptali sa kanya, anong lungkot at pagdurusa ang siyang dinanas ng dalaga. Subalit masuwerte pa rin ito dahil palagi niyang natutunugan ang panganib at ito ay nakakatakas mula sa mga masasamang tao. "Okay! Huwag na muna nating pag- usapan ang nakaraan mo. Alam kong sariwa pa ang sugat na ginawa nito sa buo mong pagkatao. Anyway, aalis na ako feel at home tawagan niyo lang ako kapag may problema." Pahayag ni Dion saka ito tumayo. Subalit sa totoo lang, nangingilabot siya sa nakaraan ni Neptali. Lalo na kapag nai- imagine niya ang hitsura ng dalaga na hindi alam ang gagawin habang pilit na tumatakas. Hindi maintindihan ni Dion subalit may impact iyon sa kanyang puso. "Sige, maraming salamat talaga!" sagot ni Neptali. "No worries, I've gotta go!" turan ni Dion at tuluyan na itong humakbang. Nilapitan niya ang mag- asawang Raul at Belinda saka niya binilinan ang mga ito. Pati na sina Marga at Paeng, at nangako si Dion na babalik na naman siya bukas ng hapon upang kumustahin ulit si Neptali. Alam ni Dion na maliliwanagan din ang tunay na pagkatao ni Neptali sa mga susunod na mga araw. At may naisip itong ipapagawa niya sa kaibigan niyang Doctor upang masigurado ang kanyang kutob ukol sa sitwasyon ni Neptali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD