Kagabi pa hindi pinapansin ni Neptali si Dion dahil sa inis nito. Papansin naman ang lalaki kaninang umaga pa pero hindi yata ito tumatalab kay Neptali. Tango at iling lang ang siyang isinasagot sa kanya ang dalaga. Sa tuwing tatangkain naman ni Dion na magbunganga ay agad naman itong iniirapan ni Neptali kung kaya't hindi matuloy- tuloy ang pag-angal sana nito at pagsusungit. Ayaw na niyang ulitin ang ginawa niya kagabi baka mas lalong mainis ang dalaga aa kanya at isang taon na siyang hindi papansinin o kakausapin. "You're meeting will be start in three minutes, kailangan nasa conference room ka na by now." Malamig na sabi ni Neptali. "Sige!" kunwari ay malungkot na sagot ni Dion at laglag pa nga ang balikat nitong tumayo. Napatitig naman si Neptali kay Dion nang matiim. Inaarok nito