Hindi na alam ni Neptali kung ano ang pinag-usapan ng magkapatid na Dion at Spencer. Basta ang alam niya pagkatapos mag-usap ang mga ito ay lumabas sila. Isang oras ding nawala si Dion bago ito muling bumalik ng kumpanya. Hanggang sa natapos na ang lahat at nagsimula na silang nagsi- uwian. "Saan kayo galing ng kapatid mo?" tanong bigla ni Neptali kay Dion baka kasi babae na naman ang pinanggalingan ng dalawa. "Hindi babae ang pinuntahan namin baby ko, uunahan na kita at kitang-kita ko na sa mga mata mo." Sagot ni Dion na nakangisi sabay pingot sa ilong ng dalaga. Alam ni Neptali na pasimpleng nangiti sina Chris at Deo kung kaya't nagkunwari itong patay malisya lamang kahit na kinikilig naman siya ng slight. "Wala naman po akong sinabi, nagtanong lang po ako!" katwiran ni Neptali. "Hm