C-50: Sila na nga sa wakas?

1691 Words

"Aanhin ko naman 'yan?" mataray na tanong ni Neptali sa isang basket na mga prutas. "Kainin mo alangan namang pang-display mo lang. Nililigawan kita hindi ba?" sagot naman ni Dion. Nagsalubong ang kilay ni Neptali saka niya pinakatitigan si Dion. "Ikaw ba ay seryoso? Sa palagay ko naman ay hindi dahil kung makipaglandian ka ay wagas!" Wika ni Neptali sabay harap ulit sa computer na nasa kanyang harapan. Tinuturuan na din siyang gumamit ng computer para kahit papaano ay alam nitong mag-encode ng mga files na kailangan ora- orada ni Dion. Lalo na kung sobrang busy ang kanyang mga secretaries at sobrang gipit ang kanyang oras o schedule niya. "Ofcourse I'm serious! Kung gusto mo nga ipa- television ko pa at ipangalandakan dito sa buong kumpanya para lang mapatunayan ko na mahal nga kita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD