Nakamaang lang at napanganga sina Yaya Carmen, Marga at Aling Belinda kay Dion. Paano ba kasi at nagpabili ng bulaklak si Dion umagang-umaga plus may mga prutas pa. Ito pa ang nag-ayos sa hapag-kainan na para bang may romantic date sa may dining room. Gustuhin man sanang magtanong ang mga kasambahay ni Dion subalit walang nangahas na gawin iyon dahil ayaw nilang ma- spoil ang kaligayahan ng kanilang amo. Noon lang yata nila nakitang ganoon kasaya at ka- energy ang kanilang amo sa tagal nilang kasama ito. Dati- rati kasi ay tahimik lang ito bihirang ngumiti o magsalita man lang. Paminsan-minsan lang din nakikipagbiruan at nakikipagbardagulan lalo na kapag kasama nito si Tylane noon. Namamalditahan kasi sila kay Tylane na palagi na yatang nakairap at masungit kung makitungo sa kanila. "And,