Banas na banas si Neptali sa presensiya ni Victoria maghapon. Kulang na lang ay magdikit ang kanyang kilay at umusok ang buo niyang katawan maging ang kanyang mga kalamnan ay nanginginig sa mga magkakahalong emosyon na kanyang naramdaman. Habang si Dion naman ay nag-eenjoy pa yata sa nakikita nitong busangot na mukha ng dalaga. Kung kaya't hindi na inimikan pa ni Neptali hanggang sa kanilang pag-uwi kahit na anong daldal ni Dion sa loob ng sasakyan. "Hindi ka ba kakain?" tanong ni Marga kay Neptali. Kanina pa ito pabalik- balik sa kwarto ng dalaga upang sumagap na naman ng tsismis para sa unang araw ni Neptali sa kumpanya ni Dion. Gusto sana nitong mag-kwento si Neptali about sa experience nito sa kumpanya ni Dion sa maghapon na pananatili nito doon. "Hindi nga ang kulit mo!" pairap pan