Kailangang makatakas si Lyree mula sa mga kamay ng bumihag sa kanya. Kailangan niyang ipaalam kay Dion at sa kanyang pamilya na may kinalaman sina Tylane, Venus at Magdalena sa lahat ng mga nangyayari. At higit sa lahat kailangan niyang makita si Dion dahil alam niyang ito ang puntirya ng mga kalaban ngayon. Napalingon si Lyree sa may pintuan dahil bigla itong bumukas. Pigil ang kanyang hininga sa pagpasok ng kung sino mang nagbukas no'n. Kumakabog ang kanyang dibdib na hindi niya mawari sa pagkakataong iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at napaawang ang kanyang labi nang makita ang taong nagbukas ng pinto. "D- Daniel!" bulalas ni Lyree. Kunusot-kusot pa ni Lyrew ang kanyang mga mata upang tiyaking hindi lang siya namalik-mata. "Ikaw nga! I- Ikaw ang sinasabi nilang big boss!" muling bu