This is it, alam na nila Dion ang hide out nina Daniel sa pangungumpisal nina Tylane at Venus. May mga kasama silang pulis at warrant of arrest para kina Magdalena at Daniel. At umaasa si Dion na nasa mabuting kalagayan si Lyree, na walang silang ginawang masama dito. Mabibilis ang kanilang mga kilos, walang bakas na ang hide out ng kalaban ay nalulusob na. Tahimik nilang inaresto ang mga guard sa labas. Maging ang iba pang mga tauhan na nagbabantay sa naturang gusali. At ang pinaka-pangulo sa raid na iyon ay ang isa sa mga kambal na si Marcus. Kasama din sa naturang operation ang kakambal nitong si Marco. At nandoon din si Spencer maliban kay Strawberry na nagpaiwan sa piling ng kanilang triplets. "Itaas mo ang iyong mga kamay Magdalena!" sigaw ni Marcus sabay tutok ng kanyang baril sa b