Ingat na ingat si Lyree sa kanyang pagtakas, nang walang ano-ano ay biglang nagkaputukan. Napasigaw si Lyree dahil sa kanyang pagkabigla at kanya nang tinakpan ang sariling mga tainga. Napakubli ito sa may mayabong na bougainvillea at napapapikit ito sa bawat tunog ng mga baril. "Boss pinasok tayo!" narinig ni Lyree na sinabi ng isa sa tauhan ni Daniele. "Boss, nakatakas si Lyree!" sabi naman ng isa pa. Dinig na dinig ni Lyree ang mga malulutong na mura ni Daniel. "Magsikalat kayong lahat! Ang iba hanak si Lyree at ibalik siya sa akin ano man ang mangyari!" sigaw ni Daniel. Mas lalong nagsumiksik si Lyree sa puno ng bougainvillea at mailap ang kanyang mga mata sa paligid nito. Nang mahagip ng kanyang paningin ang bulto ng taong sa piling niya lang siya sasaya ng walang katumbas. "Dio