Kabado bente uno si Neptali dahil ngayon ang araw ng pagbabalik ni Dion galing abroad. Hindi niya alam subalit kagabi pa kumakabog ang dibdib nito. Hindi na lang niya sinabi kay Marga dahil tiyak tutuksuhin na naman siya ng dalaga. Maagang nagigising si Neptali subalit ngayong alam niyang darating si Dion ay magpapahuli siya ng gising para naman hindi halatang excited din siya sa pagdating ng kanilang amo. Nagayuma na yata siya ni Marga at parang tinatablan na siya sa mga sinasabi nito para sa kanila ni Dion. Narinig ni Neptali na biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya, nagkunwari itong tulog at baka si Marga iyon. Pipilitin na siyang bumangon upang asikasuhin ang kanilang Senyorito Dion. Naupo sa gilid ng kama si Marga, ramdam ni Neptali ang paglundo ng kutson. Dinig pa niyang bumunton