Hindi pa man nag-iinit ang puwet ni Dion sa pagkakaupo ay nakaramdam na ito nang pagkahilo. Agad itong napatingin kay Tylane na patay malisya lamang sa kanyang kilos. "A- Anong ginawa mo?" nautal pa si Dion sa pagtatanong nito kay Tylane dahil pinagpapawisan ito nang malapot. Marahang tumingin si Tylane kay Dion na hindi mapakali dahil sa nararamdaman nito. "Anong ginawa ko? Wala, naman nakipag-usap nang masinsinan sa'yo." Malamig na sagot ni Tylane. Napalunok si Dion at mabilis na tumayo saka humakbang palayo sa dining room. "Be careful, nahilo ka ba agad sa konting ininom mo?" magiliw na wika ni Tylane at mabilis nitong inalalayan si Dion. Ipiniksi naman ni Dion ang mga kamay ni Tylane palayo sa kanyang katawan. "Don't touch me! Alam kong may ginawa ka na namang kababalaghan, Tyla