Napabalikwas nang bangon si Dion nang magising ito kinaumagahan. Sakto namang papasok si Tylane sa kwarto na may dalang tray. "Good morning! Breakfast in bed," nakangiting sabi ni Tylane. Nagsalubong ang kilay ni Dion, tatayo sana ito subalit napansin niyang wala siyang saplot. "What the -" gigil na wika nito. Ngumiti naman nang nakakaloka si Tylane at malagkit nitong pinagmamasdan ang asawa. "I miss your abs and body, thank you because I touched them once again." Ani nito. "Cut the crap! What have you've done to me?" galit na sagot ni Dion at mabilis hinagilap ang mga nagkalat nitong damit sa sahig na hindi man lang pinulot ni Tylane. "Bakit ka nagagalit? Ginusto mo rin naman ang nangyari sa atin hindi ba?" inis na ring turan ni Tylane. "Ikaw lang ang nagkagusto Tylane! Hindi ako