Hindi pa sana babalik si Aling Carmen sa bahay ng kanyang Amo subalit tinawagan siya ni Don Diego. Nagtatanong na ang Don kung bakit hindi reachable ang phone ng anak nito maging ang linya ng telephone ay putol. Wala rin si Dion sa resort nito maging sa kanyang opisina, ngayon ang bagong resort na lamang nito ang hindi pa napuntahan nina Don Diego. Subalit natawagan na nila ang mag- aswang caretaker at sinabing magmula ng araw na dumating ito galing business trip ay hindi pa bumabalik doon. "Nandito ba si Senyorito?" tanong agad ni Aling Carmen sa mga guwardiya ng bahay. Nandoon na rin ang mga bodyguards ni Dion na nahihilo na sa paghahanap. Hindi kasi ito mahilig magpabantay at pabalik pa lang sila sa kanilang amo noong dumating ito galing business trip. Dahil pinagbakasyon sila ni Dion