Hinuli ni Neptali ang master bedroom nv mag- asawa. Binubuksan pa lang ni Neptali ang seradura ay dinig na niyang parang may nahulog kasunod ng isang ungol. Napalunok ang dalaga at mas binilisan pa nito ang pagbukas sa pinto. Malalakas ang kabog ng kanyang dibdib at panay ang hugot nito nang hininga. Para siyang nasa loob ng kuweba na madilim wala siyang makita kundi ang palakasan ng pakiramdam. Mabuti na lamang at palagi niyang dala ang kanyang emergency light na maliit. Nasa bulsa lang niya iyon hindi na niya naisip pang ilabas ang kanyang selpon. Iginala ni Neptali ang ilaw ng kanyang hawak na emergency light upang hanapin ang switch ng ilaw. Hindi naman siya nabigo at agad niyang binuksan iyon. Tumambad sa mga mata ni Neptali ang karangyaan ng kwarto, subalit medyo magulo. Naroon ang