"Mommmyyy!" sigaw ni Dion sabay bangon. Butil- butil ang pawis nito, napatingin siya sa kamay na nasa kanyang balikat, kay Neptali pala iyon. May pag-aalala sa mukha ng dalaga, nanghina naman si Dion sabay buga nang hangin. "Kanina pa kita ginigising, binabangungoy ka mahal." Sabi ni Neptali. Kinuha ni Dion ang hawak ni Neptali na bottled mineral water saka dire- diretsong ininom iyon. "Salamat, mahal!" sagot ni Dion saka niya marahang hinatak si Neptali upang muli silang mahiga. Umunan naman si Neptali sa may bisig ni Dion saka sila nagyakapan. "Anong napanaginipan mo?" tanong ulit ni Neptali. "Si Mommy...siguro nagtatampo na siya sa akin dahil hindi ko na siya nadadalaw." Mahinang sagot ni Dion. Hinaplos naman ni Neptali ang pisngi ni Dion at buong pagmamahal niya itong tinitigan