Kitang-kita ni Tylane si Neptali na naglilibot sa Mall. May dalawa itong kasa-kasama na alam nitonh bantay ng babae. Kilala niya ang mga tauhan ni Dion kaya alam niyang binabantayan ng mga ito ang dalaga. Napangisi naman si Tylane hindi nga nagkamali ang kupal niyang imbestigador nang sinabi sa kanya. Naglakad si Tylane patungo sa kinaroroonan ni Neptali na abala sa beauty products nito. "Ay, sorry Miss!" bulalas ni Neptali nang may mabangga itong babae. Humarap naman ang babaeng nabangga niya at ganoon na lamang ang gulat ni Neptali kung sino ang kanyang nasa harapan. Agad na umiwas si Neptali kay Tylane upang maiwasan ang anumang hindi magandang mangyayari sa pagitan nilang dalawa. "Wait...ikaw pala Miss Neptali small world!" pigil ni Tylane sa dalaga. Nahinto naman si Neptali at mar