Agad- agad ding bumalik si Dion sa Pilipinas hindi niya kayang malayo kay Neptali nang matagal. Miss na niya ito agad kahit dalawang araw lang silang malayo sa isa't-isa. Ganoon din naman si Neptali, sumama pa nga siya sa private Airport nina Dion upang sunduin ang lalaki. Agad silang kapit- tuko nang magkita at mga kasamahan na lang nila ang nahiya maging si Don Diego. "Ang landi niyo talagang magkapatid. I can't imagine na ganyan pala kayo ka- clingy sa kabila ng barako niyong pagmumukha." Wika nang Don. Kapwa naman natawa sina Neptali at Dion at the same time ay nahiya ang dalaga sa Don. Hindi niya rin napigilan ang kanyang sarili na yakapin ang Don kanina. Ewan niya kung bakit panatag ang kanyang kalooban nang pansamantala siyang yumakap kay Don Diego. Pakiramdam ni Neptali ay naging