Magkaharap na ngayon ang dating mag-asawa sa harapan ng marami. Kung noon ay marriage contract at vow papers ang kanilang ginagawa ngayon ay iba na kung hindi upang magkapirmahan para sa ikakalaya nilang dalawa. "Are you sure about this?" tanong pa ng authorized man para sa mga ganoong set up. "Yes for me!" mabilis na sagot ni Dion. Pilit namang ngumiti si Neptali kahit sa kaloob-looban nito ay gusto na niyang magwala. Pumayag lamang siya upang hindi na siya pagdudahan pa ni Dion maging sina Don Diego. Magla- lie low siya saka siya aatake. At hindi si Dion ang kanyang puntirya kung hindi ang kahinaan nito. Tingnan niya lamang kung ano ang gagawin ni Dion, kung naroon pa rin ba ang tapang at galing nitong magtanggol kagaya noon. "Okay, just do it!" pagsang- ayon na ng authorized man sa