Natuloy din sa wakas ang pagpunta ni Dion sa America para sa divorce papers nila ni Tylane. Nabalitaan din ni Dion na nauna na si Tylane sa America, ahead ito ng isang araw kaysa sa kanya. Nakaramdam nang kaginhawaan kahit papaano si Dion dahil matatapos na sa wakas ang tanikala ng kalungkutan na nakabalot sa kanya ng dahil kay Tylane. Malaki talaga ang pagsisisi nito dahil napatulan niya si Tylane at naging asawa pa nito. Sayang lang ang mga oras at araw niya sa babae lalo na nang mga panahong ipinagtatanggol niya ito sa lahat dahil nga naiintindihan niya ang babae. Parehas silang malungkot, kulang sa pansin at pagmamahal kaya alam niya ang pakiramdam ng binabalewala. Ang buong akala niya noon totoo talaga si Tylane isa din pala ito sa mga feeling pa- victim at itinatago ang sungay sa mal