Very satisfied si Neptali sa buong araw kahit na masakit ang katawan nito. Medyo okay naman na nang makainom ito ng gamot at matikman ang special nilagang buto- buto ng baka ni Dion. Noon lang nalaman ni Neptali na masarap pa lang magluto ang kanyang mahal. Pupuwede na itong maging chef lalo na sa ginawa nitong dessert ala king Dion. Natawa pa nga ang kanilang mga kasama dahil sa ipinangalan ni Neptali sa ginawang dessert ni Dion. Isa iyong banana caramel loaf na may konting mga raisin baked with love wika nga ni Dion. Nasarapan naman ang lahat, busog at stomach progress ang kani-kanilang wakas sa masayang salo- salo nila ng araw na iyon. "Saan ka natutong magluto?" tanong ni Neptali nang magkasama silang naglalakad sa may dalampasigan. "Ofcourse sarili kong sikap mahal ko!" pagmamayaban