Magkasama sa iisang kwarto sina Neptali at Dion ng gabi. Kapag tulog na ang lahat, lumilipat si Dion sa kwarto ng dalaga saka lang siya babalik sa sariling kwarto kapag umaga na. Ganoon ang set up nila ng isang linggo, halos magdamagan din silang nagtatampisaw sa rurok ng kaligayahan. Tutal ay may basbas na din ang kanilang relasyon mula sa Judge na kanilang pinanghahawakan. Hindi rin natuloy si Dion sa pagpunta nito sa America dahil may sakit daw si Tylane. Medyo kinukutuban na naman itong nag-iinarte lang si Tylane para hindi sila magkapirmahan agad-agad. Medyo nag-aalala din si Tylane at baka isang araw ay sugurin siya ni Tylane kapag nalaman nito ang relasyon niya kay Dion. "Dad, heto ang mga sinasabi ko sa'yo na nakarating sa akin." Sabi ni Dion sa ama sabay lapag sa dalawang brown e