Tahnia's Point of View Tumigil kami sa harap ng isang matayog na gate. Gwardiyado ito ng mga armadong kalalakihan, pero tila normal na lang sa akin ‘yon dahil nasanay na ako sa mansyon pa lang ni Sebastian. “Nasaan tayo?” tanong ko sa katabi ko na kanina pa hindi sinasagot ang tanong ko. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Sobrang dami nang pumasok sa isip ko, kagaya na lang na baka ipakilala niya ako sa ama niya, pero naisip ko rin na malabo ‘yon dahil hindi naman sila malapit ng ama niya. Naubusan na ako ng ideya, kaya hindi na rin ako nagtanong pa. “This is my other side, Tahnia,” aniya saka siya may ibinigay sa aking kulay gintong maskara. “Wear this,” dagdag niya saka siya nagsuot ng maskarang kawangis ng isang leon. Tanging mata at labi lang niya ang nakikita

