Tahnia's Point of View “Tapos ka na bang mag-impake?” tanong ni mama sa akin nang silipin niya ako sa kwarto ko. “Yes, ‘ma. Ikaw, aalis ka na?” tanong ko rin sa kanya. Pupunta kasi siya ng palengke para bisitahin ang tindahan niya. Nakiusap siya kay Sebastian na kung pwede ay puntahan niya ito dahil nami-miss na niya ito. Iba na kasi ang nagma-manage nito dahil na rin sa banta sa seguridad namin. “Oo, ‘nak. Pasensya ka na at hindi ko kayo masasamahan sa airport, ha? Basta mag-iinta kayo at mag-enjoy kayo roon,” aniya saka niya ako niyakap. “Huwag munang papabuntis,” pabiro niyang bulong bago siya kumalas. “Ma!” saway ko sa kanya. “A-Anong pinagsasasabi mo? W-Wala pa ‘yan sa plano,” naiilang kong sagot sa kanya. Ngumisi siya sa akin. “Nakita ko nga kayong nag-kiss sa pool noong isang

