Tahnia's Point of View Pinagmasdan ko si Sebastian na ibutones ang pantalon niya. Nakasandal ako sa headboard ng kama, yakap-yakap ang kumot na nagkukubli sa hubad kong katawan. I can't stop staring at him. Pakiramdam ko'y nag-iba ang mood niya. His expression is dark and heavy, as if I did something to upset him. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip na baka hindi niya nagustuhan ang pagiging dominante at assertive ko; ang pagiging agresibo ko. "Aren't you gonna get dressed?" tanong niya sa akin. Malamig ang boses, na para bang hindi niya ako tinawag nang pagkalambing-lambing kanina; na para bang hindi niya inungol ang pangalan ko. "I'll send you home before your mother gets home." "J-Just a few more minutes. Medyo masakit pa ang katawan ko," mahinang sagot ko. Bigla akong nahiya sa gin

