Kabanata 35

2077 Words

Tahnia's Point of View Kay hapdi ng mga mata ko nang magising ako sa tunog ng alarm ko. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip ng mga bagay-bagay. Masakit din ang katawan ko gawa ng nangyari sa amin ni Sebastian kagabi. Tinatamad akong pumasok, pero ayokong isipin ni Sebastian na sinasamantala ko ang namagitan sa amin para hindi pumasok sa trabaho. Naligo na ako't nag-ayos bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sa sala si mama na uminom ng kape habang nanonood ng morning news, at nang makita niya ako ay dali-dali siyang tumayo at inalok akong sabay nang mag-almusal. "Anak, mamaya, bumili ka na lang ng hapunan mo sa karinderya, ha? O kung gusto mo kumain sa labas, kumain ka na lang. Mali-late ako ng uwi," paalala niya sa akin. "Opo, 'ma. Enjoy ka. Mag-sharon ka ng lechon, ha?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD