Tahnia's Point of View
Nakatingin lang ako sa kisame habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa aking tiyan. Kaylalim ng pagtaas-baba ng dibdib ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina.
He remembers me.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit wala siyang sinabi o ginawa man lang. I couldn't help but wonder what he felt and thought the moment he knew that the daughter of his fiancé is the same woman he slept with five years ago.
Hindi man lang ba niya naisip na umurong? Na lumayo?
What is he up to?
Napailing na lang ako't napabuga ng hangin saka gumulong sa kama. I don't know the answer. I also do not wish to know. Mas mabuting wala na lang akong alam. Mas mabuting hindi ko na lang malaman dahil baka mas lalo pa akong magulo.
Muli akong napabuga ng hangin bago nagdesisyon na bumangon. Pagod ang katawan ko. Pagod na pagod, but my mind is so dàmn restless. I can't stop thinking about some things, about him.
Suot ang night robe ay lumabas ako ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya minabuti ko na lang na tunguhin ang labas ng bahay.
I need some fresh air to calm my mind.
Binagtas ko ang mahabang pasilyo.
Tahimik na ang buong bahay. Tulog na ang mga kasambahay. At tingin ko ako na lang ang gising.
Bumaba na ako at lumabas ng bahay. Agad kong niyakap ang sarili ko nang agad akong niyapos ng lamig.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Sobrang tahimik. Malayong-malayo sa ingay ng mga sasakyan. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang mga rumurondang mga armadong kalalakihan. At ewan ko ba, pero hindi ako nakaramdam ng takot na para bang sanay na ako.
Huminga ako nang malalim bago ako naglakad-lakad.
Ninamnam ko ang lamig ng hangin. At kahit papaano ay kumalma ang isip ko. Pero hindi ko pa rin talaga mapigilang mapaisip kay Sebastian.
"Good evening, ma'am, gabi na po." Natigil ako sa pag-iisip nang lapitan ako ng isang guwardiya. "Bakit po kayo nandito sa labas?"
"Nagpapahangin lang," sagot ko. "Hindi ako makatulog, eh. Ganito ako kapag hindi ako sanay sa isang lugar," paliwanag ko sa kanya.
"Kayo po ba si Ma'am Tahnia?" tanong niya na agad ko namang tinanguan.
"Yes. Paano mo ako nakilala?"
"Galing po kay Gov. Sabi niya sa amin, 'wag kang palabasin ng gate."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Did he really think na lalabas ako?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Nandito ang mama ko. Wala akong rason para umalis."
"You have all the reason to run away." Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Sebastian. Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita siyang naglalakad palapit sa akin; nakasuot ng itim na sando at kulay abong sweatpants.
"Good evening, gov," bati ng lalaki. "Naglalakad-lakad lang po si Ma'am Tahnia."
"I can see that," sagot nito saka tumingin sa akin. "I'll walk with her. You can leave now."
Nang makaalis ang lalaki ay nabaling na sa akin ang buong atensyon ni Sebastian. He is casually standing in front of me with both of his hands in his pockets. "I thought you're tired."
"Pagod naman talaga ako. Hindi lang makatulog," sagot ko sa kanya.
"Kasi?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Why would I tell you?" pagtataray ko sa kanya.
Sumilay ang isang tipid na ngisi sa labi niya. It was as if he was amused by my response. "I just wanna know."
"Ayokong sabihin," malamig kong sabi saka ako nagsimulang maglakad. Sinadya kong bilisan para hind siya makasunod, pero bwisit lang—walang kahirap-hirap siyang nakasunod sa akin.
“Are you bothered that we met again? That I remember you?” diretsong sabi niya saka siya umabante at hinarangan ako sa paglalakad.
“B-Bakit mo naman nasabi ‘yan?” taas-kilay kong tanong sa kanya. “It was all in the past, Sebastian. Ilang taon na ang lumipas; nakalimutan ko na ‘yon,” dagdag ko. I made sure to sound unbothered just to show him that what happened to us five years ago was nothing but a mere deal that’s not worth remembering.
Tumingin siya nang diretso sa akin. His gaze was dangerous. It was piercing—seeping deep into my skin. “What if I told you I haven’t forgot even a second of that night, Tahnia? What will you do?” seryosong saad niya at hindi inalis ang tingin sa akin.
“H-Ha! Do you really think I’d believe you?” Umiling ako. Sino ba naman kasing maniniwala sa kanya, ‘di ba? It’s five years. It was just a single stolen night. Sigurado akong marami nang babaeng dumaan sa kanya.
“You don’t have to believe me. But that is my truth, Tahnia,” aniya sa malalim niyang boses saka siya lumapit sa akin.
Aatras pa sana ako pero mabilis niyang nahablot ang kamay ko saka niya ako hinila palapit sa kanya. At bago pa man ako makalayo ay mabilis niyang inilingkis ang braso niya sa baywang ko at idinikit ang katawan ko sa kanya.
“S-Sebastian, ano ba?!” Pilit kong itinulak ang kamay niya. Pilit akong nagpumiglas. Hindi ko gusto ang nagiging reaksyon ng katawan ko sa pagdidikit namin. “Bitawan mo ako!”
Hinila niya ako at dinala sa gilid ng mansyon. Idinikit niya ang likod ko sa malamig na pader at ikinulong ang katawan ko sa magkabilang braso niya. “Tell me you haven’t forgotten about me, Tahnia,” bulong niya habang pilit na hinuhuli ang mailap kong mga titig.
“Ano ba? Alin ba do’n ang hindi mo maintindihan? Nakalimutan ko na nga!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa inis at prustrasyon. “It was nothing but a one-night stand, Sebastian. It was just a paid night, just so you forgot,” matigas kong sabi saka sinalubong ang mga mata niya. “Pera-pera lang ‘yon. I needed your money, you needed my company—and it ended there. Kaya sabihin mo sa akin, bakit hindi ko siya pwedeng kalimutan? It was nothing special,” tuloy-tuloy kong sabi sa kanya para ipakita sa kanya na wala na sa akin ang gabing ‘yon, kahit na purong kasinungalingan ang namumutawi sa bibig ko.
“Then...” Mariin siyang tumingin sa akin. “I’ll make you remember,” bulong niya at isang iglap lang ay namalayan ko na lang ang labi niya sa labi ko.
The moment our lips touched, memories of that sinful night flashed in my head. The heat, the tension, the pleasure, the sensations—everything. It was like I was brought back to that very night.
Pero agad ko siyang naitulak nang lumitaw ang imahe ng ina ko. Naikuyom ko ang kamay ko saka ako galit na napatingin sa kanya at walang pagdadalawang-isip siyang sinampal. “N-Nababaliw ka na ba?!” pasigaw kong sabi. Pinandilatan ko siya ng mata. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha, Sebastian?”
“Tahnia...”
Muli ko siyang sinampal. “You’re out of your fvcking mind!” Naiiling akong lumayo sa kanya. “Nahihibang ka na.”
Hahawakan niya sana ako pero mabilis akong lumayo. “Ikakasal na kayo ng mama ko, Sebastian. You’re gonna be my stepfather in no time, tapos ito...Tapos gagawin mo ‘to? You’re insane!”
Mariin kong naikuyom ang aking kamay. Huminga ako nang malalim. Hindi ko rin mapigilang mainis sa sarili ko. I hate myself for liking that kiss. Hindi na rin ako iba kay Sebastian. I am betraying my own mother for God’s sake!
“Ayokong masaktan ang nanay ko, Sebastian, so I’ll pretend this didn’t happen. I’ll pretend nothing happened tonight,” malamig kong sabi sa kanya. “Get your sh*ts straight. Umayos ka,” may pagbabantang sabi ko. “Stop this. Let’s not do things that could hurt my mother.”
“I’d—”
“Be a man,” putol ko sa sinasabi niya. Ayokong marinig ang rason niya. Ayokong malaman ang dahilan niya. Dahil hindi ko alam kung bakit natatakot ako. “I’ll pretend I don’t know you. Let’s pretend we do not know each other—para kay mama. Para sa kapayapaan ng lahat,” dagdag ko saka ako tumalikod.
But that message wasn’t just for him, kundi para na rin sa sarili ko. Ayokong magpakaipokrita. My body remembers everything. That kiss made me feel like that night just happened yesterday. And it’s dangerous. Sobrang delikado. Hindi ko pwedeng hayaan na lamunin ako ng nararamdaman kong ‘to. Dahil sa oras na bumigay ako, paniguradong magugulo at masisira ang mundo ko.
I have to avoid his temptations.
And the only way to do that is to leave.
Hindi na ako pwedeng manatili rito. Kailangan ko nang lumayo bago pa ako magkasala. Bago ko pa masaktan ang sarili kong ina.