Kabanata 12

1473 Words
Tahnia's Point of View Tulala akong nakatingin sa bintana habang pinagmamasdan ang papasikat na araw. Maluha-luha ako dahil sa hapdi ng aking mga mata dala ng sobrang kakulangan sa tulog. I don't even know kung umabot ba nang tatlong oras ang tulog ko. That dàmned Sebastian kept me awake for hours. Ano ba talagang iniisip niya? Why would he even do that to me—kiss me even after knowing I am his future wife's daughter? Sabog ba siya? Napabuga na lang ako ng hangin saka ako tuluyang bumangon sa kama at nagtungo sa banyo para maghilamos at maghanda. I'll leave today. I can't stay here any longer. Baka masiraan ako ng bait sa sobrang nerbyos at overthinking. Nang matapos ako ay ihahanda ko na sana ang mga gamit ko, pero biglang dumating si mama. "Anak, tara na't mag-umagahan. Nandoon na si Sebastian," aniya nang makapasok siya. "Ma, busog pa ako." "Anong busog? Hindi ka pa nga kumakain. Tara na," aya niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod kahit pa ayaw ko. Ayoko kasing makita si Sebastian dahil babalik lang ang inis ko sa kanya dahil sa ginawa niya kagabi. I was secretly hoping na hindi ko siya makita, pero siya ang pinakaunang nakita ko pagkapasok ko pa lang sa dining area—nakaupo, suot ang itim na sando, nakasuot ng reading eyeglasses habang tutok na tutok sa binabasa niyang tabloid habang ang isang kamay niya ay hawak ang isang mug ng kape. Tumatama ang sinag ng araw sa kanya kaya tila kumikinang ang balat niya sa kinis at puti, and I hate to say it but he was so dámn handsome—aging like a freaking good wine. Agad akong napaiwas ng tingin at sinadyang maupo sa dulo ng mesa, pero pinalipat ako ni mama sa tabi ni Sebastian. At doon lang nito ibinaba ang hawak nitong diaryo saka siya tumingin sa akin. “Good morning,” bati niya gamit ang malalim at medyo paos niyang boses. At ewan ko ba, pero may kung anong kiliti akong naramdaman dahil sa lalim at pagkabrusko ng boses niya. “Did you have a good rest?” aniya, na hindi ko alam kung seryosong tanong o pang-aasar ba. “Y-Yes,” sabi ko na lang at iniwas ang tingin sa kanya. Ibinaling ko ang atensyon ko kay mama. “Ikaw, ‘ma, nakatulog ka ba nang maayos?” “Oo naman, ‘nak,” aniya at matamis na ngumiti sa akin. “Anong gusto mo, gatas o kape?” “Tubig lang, ‘ma,” tugon ko saka nagsimulang kumuha ng pagkain. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa kinakain ko, pero hindi ko magawa-gawa dahil liban sa lumilipad ang isip ko, ramdam ko rin na sobrang awkward ng hangin sa paligid namin—o baka ako lang ‘tong nakakadama dahil tila wala lang naman kay mama at kay Sebastian. “Nga pala, ‘nak. Nagsabi nga pala si Sebastian na balak ka niyang ipasyal sa probinsya, para na rin mas makilala mo siya,” saad ni mama sa kalagitnaan ng pagkain namin. Agad akong napatingin kay Sebastian na nakatingin na sa akin habang nakangiti. Pero hindi ko gusto ang ngiting ‘yon. Alam ko agad na may ibang intensyon siya roon. “Hindi na kailangan, ‘ma,” malamig kong sabi habang nakatingin pa rin kay Sebastian. “Aalis na ako mamaya; babalik na ako sa Maynila,” dagdag ko saka itinuon na ang atensyon sa pagkain. “Ano? Bakit ang bilis naman yata, ‘nak?” Sasagot na sana ako pero natigilan ako nang maramdaman ko ang paa niya sa aking binti—hinahagod-hagod niya ito. Napatingin ako sa kanya—at aba ang loko, kumakain lang na para bang walang ginagawang kalokohan. Inilayo ko ang paa ko, pero abot niya pa rin. Damang-dama ko ang daliri ng kanyang mga paa na tila ba’y kinikiliti ang aking binti. “’Nak? Ayos ka lang ba?” tanong ni mama sa akin kaya natigil ako sa pag-iwas sa paa ng hinayupak. “O-Opo, ‘ma,” sagot ko sa kanya at itinago ang kabang nararamdaman. Liban sa kaba, hindi ko rin mapigilan ang paglakas ng kabog ng dibdib ko dahil may kung anong init na nabubuhay sa kaloob-looban ko sa paraan ng paghagod ni Sebastian sa akin. Pero tiniis ko ‘yon. Pilit ko ‘yong ikinubli. “Bakit ang bilis mo naman yatang umuwi, ‘nak?” “May mga kailangan pa akong gawin, ‘ma. At isa pa, sapat nang nakita at nakausap ko saglit si Gov Sebastian,” kaswal na sagot ko. “Ayos na sa akin na ikasal kayo,” dagdag ko pa saka pilit na ngumiti. “Pero kahit na ‘nak. Parang ang bilis naman yata. Hindi ba pwedeng manatili ka muna rito saglit?” “May campaign kasi kami, ‘ma,” pagrarason ko. “So, if it’s not for your job, you won’t leave?” biglang sabat ni Sebastian. “The only reason I can see why you want to go back to Manila so badly is your job. Am I right?” “Oo, at hindi lang basta trabaho—it’s an important job, Gov. I need to be there,” may riin kong sabi saka pasimpleng inayos ang pagkakaupo ko para makalayo sa kanya. “I see,” aniya at tumango-tango lang, saka pasimpleng hinagod muli ang aking hita. Peste. Hindi ko na natiis ang ginagawa niya kaya tumayo na ako. “Tapos na akong kumain. Akyat muna ako sa kwarto,” paalam ko sa kanila. Tinawag pa ako ni mama pero hindi na ako lumingon pa. Pagkarating ko ay napagdesisyunan kong maligo na at nang makaalis na ako. Mabigat man sa loob ko na umalis dahil gusto ko pa talagang makasama si mama ay wala akong ibang magagawa. I have to leave. I have to keep my distance or I will just end up making things more complicated. Nang matapos akong maligo at magbibihis na sana ay biglang nag-ring ang cellphone ko. At agad ko itong sinagot nang makita ko ang pangalan ng boss ko. “Hello, boss?” “Tahnia,” banggit niya sa pangalan ko. But her tone was a bit different than the usual tone she uses whenever she calls me by my name. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung may problema ba. “Yes, boss?” “I’m sorry to call you during your break, but I have something really important to say,” aniya sa mababang boses. At ewan ko ba, pero nagsisimula na akong kabahan. “I know you’ve been working hard for our company these past few years, and you have made such great contributions to our growth, however...” “Boss...” Hindi ko na gusto ang direksyon ng sinasabi niya. “Are you firing me?” diretsong tanong ko na lang kaysa magpasikot-sikot pa siya. “Tahnia, just know that it was a hard decision to let go of you. I have actually been thinking about this for the past few months, and have realized that—” “Bakit biglaan, boss? I know I didn’t do anything para tanggalin n’yo ako sa trabaho nang biglaan. I did my best. I offered everything I could for the company, and yet...” “I am really sorry, Tahnia. I will have your stuff delivered to your home address as well as your separation fee, so you don’t have to bother going back to our office to process everything. Thank you,” aniya saka ibinaba ang tawag. Napatingin na lang ako sa kawalan sabay hilot sa aking sintido bago bumuga ng hangin. Hindi ako makapaniwalang gano’n-gano’n na lang nila akong inalis sa trabaho; na para bang hindi nila pinahalagahan ang naitulong ko sa paglago ng kompanya. Nakakainis! Napaupo na lang ako sa kama sabay hagis ng cellphone ko sa inis. Maya-maya pa’y may kumatok sa pinto. “Bukas ‘yan,” walang gana kong sabi. Tiningnan ko kung sino ang pumasok at nakita ko si Sebastian. Magsusungit na sana ako pero inunahan na niya ako, “Why aren’t you ready yet? I thought you’re going back to Manila?” “Hindi na ako babalik. Wala na akong babalikan doon. I was fired just now,” inis kong sabi sa kanya. “Oh...That’s...That’s so sad to hear,” aniya. “So, does that mean you won’t leave anymore?” dagdag niya na para bang masaya pa siyang nawalan ako ng trabaho. Napatingin ako sa kanya. At ewan ko ba, pero awtomatikong sumagi sa isip ko na baka may ginawa siya. Pero agad ko ring inalis sa isipan ko ‘yon dahil wala namang dahilan para gawin niya ‘yon, ‘di ba? Napailing na lang ako. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko. Dala na siguro ‘to ng stress. Bwisit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD