Prenteng nakaupo sa kanyang couch si Tahlia habang may hawak-hawak na wine glass. Nakasuot siya ng itim na bathrobe habang nakatitig sa labas ng kanyang bintana. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya habang inaalala ang gabing hindi niya inakalang papabor ang tadhana sa kanya—ang gabing biglang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maangking muli si Sebastian. [Flashback] Makailang beses na pinagmasdan ni Tahlia ang sarili sa salamin bago siya tuluyang lumabas sa sinasakyang limousine. Gusto niyang perpekto ang hitsura niya sa oras na magkita sila ni Sebastian. She’s hoping she could still get him back. Hindi naman nagkakalayo ang mukha nila ni Tahnia. They’re basically the same. Magkakambal sila after all. Pagkalabas niya ng sasakyan ay hindi inaasahang mamataan sina Tahnia at Enri

