Kabanata 92

2021 Words

Marahang hinawi ni Tahnia ang manipis na kurtinang nakaharang sa kahoy na bintana ng kanilang tinutuluyan upang makapasok ang sariwang hangin. Saglit na naningkit ang kanyang mga mata dahil sa pagpasok ng liwanag. Pagkatapos ay pinagmasdan niya ang malawak na palayan na tila sumasayaw sa bawat ihip ng hangin. Sumandal siya sa may bintana at nilanghap ang sariwang hangin para kahit papaano ay kumalma ang isipan niya. Napakapresko ng paligid. Tahimik. Payapa. Perpektong lugar para magmuni-muni—para lumayo sa nakakasakal niyang reyalidad. Pakiramdam niya’y nasa ibang panahon siya dahil sa simple ng lugar. Hindi niya alam kung saang probinsya sila dinala ni Enrico, basta ang alam niya lang ay walang nakakakilala sa kanila rito. Isang payak na lugar ang pinagtataguan niya—malayo sa siyudad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD