Tahnia’s Point of View Sumalubong sa akin ang napakalamig na umaga. Pagkabukas ko pa lang ng bintana ay pumasok agad ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko mapigilang yakapin ang sarili ko habang iginagala ang paningin sa labas. Balot ng hamog ang paligid. Kakasilip pa lang ng sinag ng araw sa kulay abong kalangitan. Napabuga ako ng hangin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. I’m really here—in an unfamiliar, secluded place that’s far from the place whom I thought was a dream come true; a place I imagined I’d settle down. Mapait akong napangiti saka tumalikod at nagtungo sa kusina kung nasaan si mama. Nadatnan ko siyang nagtitimpla ng kape at inihahanda ang pandesal na binili namin kanina nang maaga. “Mag-almusal na tayo,” aya niya sa akin nang mapan

