Tahnia’s Point of View
“Sir, do you smoke?” Hindi ko na maitago ang desperasyon sa boses ko habang inaalok ng sigarilyo ang mga customer. Mahigit isang oras na akong nagbebenta ngunit wala pang bumibili ni isa. Nagsisimula na akong mawalan ng pag-asa. Ito pa naman ang inaasahan ko.
“Taffy...” Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Jelly sabay tapik niya sa akin. “Kumusta?”
Napatingin ako sa kanya nang makita kong may kasama siyang isang lalaki na nasa fifty’s na siguro. “Wala pa ring benta, eh,” malungkot kong sagot sabay ngiti nang pilit. “Pero baka makabenta ako mamaya.”
“I think Seb would like her,” dinig kong sabi ng kasama niyang lalaki. “How about you introduce her to him?”
“Tama,” segunda ni Jelly saka siya napangisi. Agad niyang kinuha ang kamay ko. “May ipapakilala ako sa ‘yo, Taffy. Sigurado ak—”
“H-Hindi; ayoko, Jelly. Alam mo naman ‘di ba na ayaw kong—”
“Girl,” putol niya sa sinasabi ko saka siya lumapit sa akin. “Wala ka pang benta, and I don’t think makakapagbenta ka pa. Hindi ba kailangan mo ng pera? Heto na ‘yon. Kung magustuhan ka ni Seb, sigurado akong tiba-tiba ka,” pangungumbinsi niya sa akin.
“Eh, paano kung hindi? E ‘di nagsayang lang ako ng oras.”
“Here...” Napatingin ako sa kasama niyang lalaki nang mag-abot ito ng dalawang libo sa akin. “Bayad ko ‘yan sa oras mo para samahan si Seb. Kung hindi ka niya magustuhan, you get to keep that money with you and you can go back selling. How about that?”
“Oh, wala ka nang excuse, ha? Tara na.”
Wala na akong nagawa nang hilain na ako ni Jelly papunta sa dulong bahagi ng VIP lounge.
“Bakit ba masyado kayong desperado na ipakilala ako sa Seb na ‘yon?” nagtatakang tanong ko habang iginagala ang mga mata ko sa paligid. Hinuhulaan ko kung sino ang lalaking tinutukoy nila. Pero dahil may kadiliman na sa lounge ay wala ring nangyari.
“Kasi heartbroken,” diretso niyang sagot. “Need ng comfort.”
“Bakit ako?”
“Bakit hindi?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Ikaw na lang yata ang hindi namin naipapakilala sa kanya. Malay mo.”
Napabuga na lang ako ng hangin saka nagpaubaya. Hinayaan ko siyang dalhin ako sa kung nasaan man ang Seb na ‘yon. Pero maya’t maya ay natitigilan ako dahil may mga nakikita akong naghahalikan kahit pa may mga tao pa sa paligid.
“Siguraduhin mong magugustuhan ka ni Seb, Taffy,” saad ni Jelly. “Big time ‘yon.”
“Big time?”
Tumango siya saka ngumisi. “Oo. Pero hindi ko pwedeng sabihin, kasi confidential. Kakauwi lang no’n galing Italy,” sagot niya.
Italy?
Hindi ko mapigilang mapaisip kung anong klaseng tao siya. Siguro’y matanda na siya at kinailangang umuwi sa Pilipinas for retirement?
Napailing ako nang maisip ko ang sarili ko na ikinakama ng isang matanda. Hindi ko kaya. Pero dahil binayaran na nila ako, kakausapin ko na lang ‘yong Seb na ‘yon. At sana hindi niya ako magustuhan. Sana itaboy niya rin ako.
“Ayon,” rinig kong sabi ni Jelly saka niya binilisan ang mga hakbang niya habang hila-hila ako. Papunta kami sa pinakadulong bahagi ng lounge. Nakatalikod mula sa amin ang sofa kaya hindi ko makita kung sino ang nakaupo roon.
At nang makarating kami ay ang unang bumungad sa akin ay ang mahahabang biyas ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na trousers na ipinares sa itim na coat na pinalooban ng puting damit. At nang maglandas pataas ang aking mga mata ay sunod kong napansin ang malapad niyang balikat. At hanggang doon lang ang tingin ko—hindi ko na sinubukang tingnan ang pagmumukha niya.
“Sebastian,” kaswal na tawag ni Jelly sa lalaki. “I got a new girl for you.”
“Jelly.” Malalim at matikas ang boses nito—and it was no way an old man’s voice, kaya agad akong napatingin sa mukha nito.
Pagkakita na pagkakita ko sa mukha niya ay natigilan ako; natulala. Unang pumukaw ng atensyon ko ay ang matatalim na titig na ipinupukol ng kanyang mga mata habang umiigting ang kanyang panga. Kay tangos ng kanyang ilong. Nakasimangot ang natural na nakanguso niyang mga labi.
Gwapo.
Iyon agad ang pumasok sa isipan ko. Wari mo’y isa siyang modelo sa isang international magazine.
“She’s Taffy.” Marahan akong itinulak ni Jelly palapit sa kanya. “Ikaw na ang bahala sa kanya, girl,” bulong niya sa akin saka siya nagpaalam sa aming dalawa at mabilis na umalis. At nang kami na lang ang naiwan ay isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin.
“What, aren’t you gonna do or say anything?” masungit niyang turan saka siya umusog para bigyan ako ng espasyo na makaupo. “Sit, and entertain me. That’s what you’re here for, right?”
Umupo ako sa pinakagilid ng sofa. Nanatiling nakatutok sa sahig ang aking mga mata habang magkadikit ang aking mga palad na inipit ko sa pagitan ng mga hita ko. “S-Sa totoo lang ay binayaran lang ako ng kasama mo para kausapin ka,” pagtatapat ko. “W-Wala talaga akong balak na lapitan ka o anuman. Nandito lang ako para magbenta ng sigarilyo.”
“Then why are you here then?” matigas niyang sagot.
“K-Kasi wala akong benta. Hirap akong magbenta dahil first time ko pa,” tugon ko at pilit na ibinababa ang skirt ko dahil sumisilip na ang panloob ko. “Kaya nang alukin nila ako na kausapin ka kapalit ng pera, pumayag na ako.”
“Money, huh? Do women really do anything for something in exchange?” tila may laman niyang tanong.
It was an offensive question, pero hindi ako na-offend. Dahil sa kaso ko, oo. “In my case, yes,” matapang kong sagot. Doon na ako nagkalakas ng loob na tingnan siya, at doon ko lang din napansin na nakatitig siya sa akin. “Ginagawa ko ang lahat para kumita ng pera, hindi para sa luho o kung ano man, kung hindi para sa nanay ko.”
Tumaas ang kilay niya, pero wala siyang sinabi. Tumingin lang siya sa akin ngunit bakas sa mukha niyang gusto niyang malaman ang buong dahilan ko.
“May sakit ang nanay ko. May butas ang puso niya, at kailangan niya ng gamot habang hindi pa dumarating ang araw ng operasyon niya,” pagpapatuloy ko. “Kaya heto ako ngayon, dumidiskarte ng pambili ng gamot niya.”
“Dito talaga; out of all places?”
Doon ko na hindi nagustuhan ang sinabi niya. Masama ko siyang tiningnan. “If I only have a choice, you won’t see even my shadow here. Not even a single trace of me,” pabagsak kong sagot. “Pero wala, eh. Wala akong mahanap na raket na malaki ang bigayan liban dito. So, wala—kailagan kong lunukin ang pride ko,” dagdag ko. “But I don’t think you’ll understand where I am coming from considering your stature.”
Kita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. “Aren’t you supposed to be here to entertain me?”
“Nandito ako para kausapin ka kasi binayaran ako. Wala silang sinabi na aliwin kita.”
“I don’t get you.” Naningkit ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako. “You should be grabbing your chance to seduce me, woman. Do you know who I am?”
“I don’t care,” pabalang kong sagot. Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila niya. Napakasirado ng utak. “At gaya ng sinabi ko: nandito lang ako para magbenta ng sigarilyo, hindi para magbenta ng laman.”
“Oh...” Tumango-tango siya. “Then, does that mean you won’t accept any indecent proposals?”
“Hindi.”
“Fifty thousand,” biglang sabi niya. “Spend the night with me.”
Bigla akong natigilan nang marinig ko ang sinabi niya. Seryoso ba siya? Gano’n kalaki? Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakahawak nang gano’n kalaking pera.
“I guess that’s not enough then. How about one hundred thousand?”
“B-Bakit bigla ka na lang nagka-interes sa akin?” naibulalas ko na lang. “Akala ko ba ayaw mo sa akin?”
“I was just testing you,” aniya saka sumilay ang isang tipid na ngisi sa kanyang gwapong mukha. At ewan ko ba kung anong meron do’n, pero nakaramdam ako ng mumunting kiliti sa aking tiyan. “Out of all the women I met here, you’re the only one who didn’t outright sell herself to me, and that really caught my attention.”
“Kasi hindi ko naman talaga binibenta ang sarili ko,” matigas kong sabi.
“Two hundred thousand. Just one night, Taffy,” aniya habang matamang nakatingin sa aking mga mata. “If you say yes, I’ll give you a hundred thousand right away, and the other half will be given after.”
“T-Teka, h—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang lumapat ang mainit niyang palad sa aking hita. Tila ang liit tingnan ng hita ko dahil sa laki ng kamay niya.
“Take it or leave it.”
Two hundred thousand. Malaking halaga na ‘yon. Sobrang laki. Hindi lang gamot ni mama ang mabibili ko ro’n, kundi sapat na rin ‘yon para mabayaran ko ang mga kailangang bayaran para maka-graduate ako. Pero sapat na ba ang halagang ‘yon para sa dignidad ko?
“What’s your answer? Ngayon lang ‘to, and I don’t think there’s any other man who’s willing to pay you that much for a night,” tila naiinip niyang sambit.
Nakagat ko ang labi ko.
Sapat na ba ang two hundred thousand para mabali ang prinsipyo ko?