Kabanata 2

1145 Words
Akala ko'y malakas ang paninindigan ko na hinding-hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko sa anumang salapi. Pero gusto ko na lang sampalin at sabunutan ang sarili ko habang pinagmamasdan ang malapad na likod ni Sebastian habang nakatayo siya sa harap ng ATM machine. Nasa loob ako ng magara niyang sasakyan. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango na tila may kung anong kinikiliti sa kaloob-looban ko. Hawak ko ang isang makapal na sobreng naglalaman ng isang daang libong piso. Pang-apat na ATM machine na 'tong pinuntahan namin dahil hindi mabuo-buo ang dalawang daang libong piso. Napahigpit na lang ang hawak ko sa sobre. Ito ang patunay ng desperasyon ko. Ito ang patunay ng paglunok ko sa aking pride at sa pagtapon ko sa aking dignidad. Pero kung ito lang din naman ang solusyon para masigurado kong gagaling ang nanay ko, p'wes, wala akong pagsisising mararamdaman. Sana. Maya-maya pa'y natapos na siya. Bumalik siya sa sasakyan habang kaswal na hawak ang makapal na bundle ng tig-iisang libong papel. Pagkapasok niya ay prente niya itong inilagay sa loob ng compartment ng sasakyan niya. "The remaining money is ready. Let's go," malamig niyang saad saka pinaandar ang sasakyan. Lumunok ako ng laway saka tumingin sa labas. Kaylakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Parang gusto kong tumakbo. Parang gusto kong tumalon sa sasakyan. Pero alam kong hindi na pwede. Hawak ko na ang pera. Mas malaking kahihiyan kapag bigla akong umatras. Tahimik akong nagmasid. Nakatingin lang si Sebastian sa daan—nakakunot ang noo at matalim ang mga mata. Hindi ko alam kung naiinis ba siya o gano'n na talaga ang normal niyang ekspresyon. “Do you want to do it here?” biglaang tanong niya saka siya tumingin sa akin. “You’re looking at me as if you badly wanna get f*cked,” matigas niyang dagdag. Agad akong namula sa sinabi niya. Pero tumaas ang kilay ko dahil hindi ko nagustuhan ang tono niya. “E-Excuse me?” Hindi ko napigilang mainsulto. Bawal bang tumingin? “We can do it here if you want.” “Excuse me lang, ha? Para sa kaalaman mo, hindi ko rin gutso ‘tong nangyayari,” naibulalas ko na lang dahil sa inis. “Pero wala akong choice. Kailangan ko ng pera.” Umismid siya. “Well, what do I expect from a woman who works in that place.” Mas lalong tumaas ang kilay ko. Tingin ko’y umabot na siya sa gitnang noo ko. “Unang araw ko pa lang doon, sir,” paglilinaw ko at diniinan ko talaga ang pagbanggit sa ‘sir’. “That doesn’t change a single thing, woman. You still work at a place where flesh are sold and nights are priced.” “Gusto mo pala ng babaeng hindi gano’n, bakit doon ka pumunta?” ganti ko. Tanga ba siya? Naghahanap ng babaeng marangal, tapos sa bar pumunta? Parang mag-aaway pa yata kami, ah. Masama siyang tumingin sa akin. “Shut up.” Inirapan ko na lang siya saka ko ibinaling sa labas ang atensyon ko. Parang mas nawalan ako ng gana. Gusto ko na lang umalis! Matapos ang ilang minuto ay tumigil na ang sasakyan niya, at halos malula ako nang mapansin ko kung nasaan kami—sa isang sikat na hotel sa siyudad. Napakamahal ng gabi rito! “Let’s go.” “S-Saglit, dito tayo?” tanong ko. Bumaling siya sa akin gamit ang malamig niyang mga titig. “Why? Were you expecting some cheap-assed motels? I don’t go to such places woman. Baka mangati lang ako,” matigas niyang sabi saka kinuha ang perang w-in-ithdraw niya bago siya lumabas. Ni hindi man lang ako pinagbuksan. Dali-dali akong lumabas at sumunod sa kanya. Laking pagtataka ko pa nang hindi man lang siya ch-in-eck ng guard. Dire-diretso lang kami. Hindi na rin kami dumaan sa reception. Huminto lang siya nang nasa elevator na kami. Halos malukot na ang mga mata ko sa pagtataka. Sino ba ‘tong taong ‘to? “What, hindi ka papasok? Do you want me to f*ck you here in the lobby?” pagsusungit niya habang nakapamulsa. Napatitig ako sa kanya. He looks so dignified. Gwapo. Malapad ang balikat. Matangkad. Pero hindi ko gusto ang ugali niya. Nakakapangit. Nakakabwisit. “You want to be f*cked here, huh,” aniya at akmang lalabas na sana pero mabilis akong kumilos habang mala-kamatis na sa pula ang mukha. “S-Sorry. Nalulula lang ako,” sagot ko habang iginagala ang tingin sa pakigid. Napakasoyal. Pakiramdam ko’y nasa isang palasyo ako. “First time ko kasi rito.” Tumingin lang siya sa akin at hindi kumibo. Umurong lang siya para makapasok ako nang tuluyan. Nang magsara ang elevator ay kitang-kita ko ang repleksyon niya. He’s towering. Hanggang kili-kili niya lang ako. At kahit hindi ako direktang nakatingin sa mga mata niya ay alam kong matalim siyang nakatitig sa akin. Amoy na amoy sa elavator ang lalaking-lalaki niyang pabango. It was so manly. May kung anong kiliti akong nararamdaman sa tuwing naaamoy ko ang pabango niya. Maya-maya pa’y tumunog na ang elevator. Nauna siyang lumabas habang ako naman ay tahimik lang na sumunod sa kanya. Huminto kami sa tapat ng isang metallic door. Hindi de-susi, kundi finger print ang security system. Sosyal! “Come,” aniya saka ito binuksan. Nauna na naman siyang pumasok at sumunod ako. At pagkapasok na pagkapasok ko ay muli na naman akong namangha nang makitang tila isang buong bahay ang bumungad sa akin. Hindi lang basta kwarto, kundi buong bahay! Puti at itim ang kabuohang kulay ng loob—mula sa mga gamit hanggang sa pintura. “B-Bakit ganitong kwarto ang kinuha mo? Masyadong mahal siguro ‘to para sa isang gabi,” nasabi ko na lang. Tumingin siya sa akin na para bang may sinabi akong mali. “I live here, woman. I had this room customized for me,” malamig niyang sabi saka siya umupo sa itim na sofa. “H-Ha?” “My family own this hotel, so I had this room customized for me,” dagdag niya. “Now, enough with the questions. You’re not here to interview me, but to ride on top of me.” Muli na naman akong namula sa sinabi niya. “Get to the bathroom. Take a shower. Grab a bathrobe there,” aniya saka itinuro ang cabinet. “Make sure to wash yourself well, got it?” Tumango lang ako at hindi na pinansin ang mga sinabi niya. Kailangan ko na rin kasing makauwi kaya dapat matapos na kung ano man ang kailangang tapusin ngayong gabi. Kumuha na ako ng puting bathrobe saka ako nagtungo sa banyo. Nasa pinto pa lang ako ay halos hindi na ako makahinga sa labis na kaba. Heto na talaga. Hindi ko lubos akalaing sa ganitong paraan mawawala ang virg*nity ko. Pero bahala na. Para sa pera. Para kay mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD