Gamit ang malambot na puting tuwalya ay pinatuyo ko ang aking buhok. Humarap ako sa malawak na salamin ng mamahaling banyo ni Sebastian. Singlawak yata ng buong bahay namin ang banyo. At habang abala ako sa pagpupunas ng aking buhok ay bumukas ang pinto ng banyo na siyang ikinagulat ko.
Agad akong napatingin sa repleksyon ko at nakita kong pumasok si Sebastian na walang ibang suot kundi isang puting tuwalya na nakapulupot sa baywang niya. Ayoko sanang tumingin sa kanya, pero hindi ko mapigilan lalo na’t nakakaakit ang kisig ng katawan niya. His muscles were more defined than what I initially thought.
Tila perpektong inukit ang mga linya sa katawan niya.
Agad pansin din ang bukol sa sentro ng kanyang katawan, pero agad kong iniwas ang mata ko sa parteng ‘yon.
“You can turn around and look at me if you want,” tila may pagmamayabang niyang sambit at kita ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya.
“N-No thanks,” namumulang sabi ko at itinuloy ang pagpapatuyo sa aking buhok, pero nagulat ako nang lumapit siya saka niya inilingkis ang isang braso niya sa aking baywang. “H-Hoy—”
Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang lumapat ang mapulang labi niya sa likod ng tainga ko. Tiningnan niya ako sa mata mula sa repleksyon ng salamin, at doon ko lang napansin na kulay abo ang kanyang nakakalunod na mga mata. “Stop playing like you’re not into me, woman,” bulong niya habang dumidikit ang labi sa tainga ko.
Nanigas ako. Hindi ako makakilos. Pakiramdam ko’y isa akong inosenteng kuneho sa tapat ng isang gutom at agresibong leon.
“I know you want me,” dagdag niya saka niya dinilaan ang tainga ko na siyang dahilan para manginig ang aking kalamnan.
Kumabog nang pagkalakas-lakas ang aking dibdib at may kung anong init na nabuhay sa kaloob-looban ko.
Gusto ko siyang itulak, pero hindi ko magawang igalaw maging ang mga daliri ko. Damang-dama ko ang tensyong namaagitan sa aming dalawa.
"Have you ever been touched by a man, Tahnia?" bulong niya sa akin. Malalim at maskulado ang boses niya, at may kung ano rito na tila nagpapatindig ng aking balahibo. "Like..." Gumapang ang isang kamay niya sa aking balikat. "...this way?"
Pigil ang aking paghinga. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Nakakapanibago ang sensasyong nararamdaman ko.
"Or like this?" Hinalik-halikan niya ang aking batok. "Answer me..." dagdag niya habang bumababa sa aking baywang ang kanyang malaking kamay.
"H-Hindi pa," kabadong sagot ko saka ako lumunok ng laway. "Ikaw pa lang," mahinang dagdag ko dahil tila wala na akong natitirang lakas para lakasan ang boses ko.
"We'll find out later," aniya at muling dinampian ng halik ang aking batok. "Wait me for outside, or..." Pinaharap niya ako sa kanya.
Sa pagtitig niya sa aking mga mata ay hinawakan niya ang aking baba para hindi ako makatingin sa sahig. "...do you want to take a bath with me?"
"S-Sa labas na lang ako maghihintay," sagot ko saka ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata. Pakiramdam ko'y mawawalan ako ng lakas sa riin ng titig niya.
Ngumisi siya sa naging reaksyon ko. He looked amused, as if he got the reaction he needed to see. "You can go ahead in my room. Make yourself comfortable...Taffy," saad niya.
May kung anong kiliti akong naramdaman nang banggitin niya ang palayaw ko, pero binalewala ko 'yon saka ako mabilis na lumabas ng banyo.
Pagkasara ko ng pinto ay doon ko lang napansin na pigil pala ang paghinga ko. Kaylalim ng bawat buga ko ng hangin. Nananamlay ang mga tuhod ko dahil sa labis na kaba at tensyong naramdaman ko.
Napahawak ako sa aking dibdib saka ko iginala ang aking mga mata.
Akala ko'y isang simpleng kwarto lang ang pagdadalhan niya sa akin, pero tila isa na itong buong bahay.
Magara. Malawak.
Ngayon pa lang alam ko nang hindi basta-bastang tao si Sebastian. He's rich. Filthy rich. Ni hindi man lang siya nagdalawang-isip na iabot sa aking ang isang daang libong piso bilang paunang bayad. At sa totoo lang ay pwede na akong tumakas kung gugustuhin ko, pero hindi ako gano'ng klaseng tao.
Kahit na takot ako sa pwedeng mangyari, kahit na hindi ko alam kung ano ang gagawin, ay hindi ako tatakas. Papanindigan ko ang desisyon ko.
Umakyat na ako sa pabilog na hagdan, dahil tingin ko'y doon ang kwarto niya. At pag-akyat ko ay bumungad sa akin ang isang kwarto na salamin ang pader. Nasa labas pa lang ako ay kitang-kita ko na ang loob—ang malawak niyang kama, ang mini sala, ang malaking TV, ang nagmumurang chandelier na nagsasaboy ng gintong liwanag sa buong silid, at ang carpeted niyang sahig.
Pumasok na ako at agad akong sinalubong ng halimuyak ng mamahalin niyang pabango.
Pabango pa lang niya ay maskuladong-maskulado na. 'Yong tipong mapapalingon ka talaga.
Naglibot-libot ako sa kwarto niyang parang tatlong bahay yata natin ang kasya. Hanggang sa mapatigil ako sa isang full-length mirror, kung saan kitang-kita ko ang hitsura ko.
Wala akong kahit na anong suot sa ilalim ng puting bathrobe na suot ko. Medyo basa pa ang aking buhok.
Nayakap ko ang aking sarili. Dahan-dahan nang nagsi-sink in sa akin ang pinasok ko. Napangiti ako nang mapait dahil labis-labis na pagkadismaya ang nararamdaman ko sa aking sarili.
Alam kong hindi ito ang sagot sa problema ko, pero wala na akong maisip na ibang paraan. This is the only way I know; the only escape I can get.
Nagpatuloy ako sa paglilibot sa kwarto niya hanggang sa mapansin ko ang isang pinto na papunta sa veranda ng unit niya, at paglabas ko ay agad na humampas sa akin ang malamig na hangin.
At halos malula ako nang tumingin ako sa baba. Tila dagat ng mga ilaw ang nakikita ko. Sobrang taas ng kinaroroonan ko na nagmukhang mga tuldok ang mga ilaw ng mga gusali sa baba.
"Do you want us to fúck there?" Agad akong napalingon sa loob nang marinig ko ang boses ni Sebastian.
Tanging tuwalya lang ang suot niya. Basa pa ang magulo at itim na itim niyang buhok, at may iilang butil ng tubig pang dumadausdos sa kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan na pinaghihiwa-hiwalay ng mga malalalim na linya.
Agad siyang lumapit sa akin saka hinawakan ang baba ko. Pagkaangat niya sa aking mukha ay ngumisi siya, "My face is right up here, woman."
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Nilamon ako ng hiya.
"Mamaya ka na tumingin sa baba. I'll give you all the time you want to be down there," pabulong niyang dagdag. Amoy na amoy ko ang mint sa hanging ibinubuga niya. "For now, let's have fun...up here..." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
Natuod ako. Nanigas ang aking buong katawan. Alam kong hahalikan niya ako kaya napapikit na lang ako. I don't know how things work, pero bahala na. Basta matapos lang ang gabing 'to at makuha ko ang perang kailangan ko.
Bahala na!