Kabanata 15

1043 Words
Tahnia's Point of View "Stop the car right now, Sebastian!" matigas kong sabi sa kanya, pero hindi siya nakikinig. Ngumingisi lang ang gàgo na para bang tuwang-tuwa siya sa pinaggagagawa niya. "Stop it or tatalon ako!" "Do it. Jump," pang-uudyok niya sa akin at ngumisi pa lalo. Napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi niya. "Do you want me to die?!" "Nope." Nagkibit-balikat siya. He shook his head while grinning. "Alam ko namang hindi ka tatalon. I know you'd rather get fùcked than die, right?" dagdag niya at kumindat. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Sebastian. Enough with the pranks and just tell me where the hell you're taking me." "Hindi rin ako nakikipagbiruan, Tahnia." Inihinto niya ang sasakyan. He looked at me straight in the eyes. "And to answer your question, I'll bring you to my hell. I'm gonna fúcking engulf you with my flames. I'll make you sweat. I'll make you drip with my sinful thrusts. I'll make you scream and call God while your eyes roll at the back of your fùcking head," pabulong at may halong gigil niyang sambit saka niya hinawakan ang iilang hibla ng aking buhok malapit sa aking tainga. "Did that answer your question?" I hate to admit it, pero tinamaan ako sa sinabi niya. Sobrang bastos ng mga lumabas sa bibiy niya, pero tila kiliti ito sa akin. May kung anong sensasyon akong naramdaman sa pagitan ng aking mga hita. And I hate it. "Pwede ba, tigilan mo na ako sa mga kalokohan mo, Sebastian? Tama na. Please lang. Ay—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Mabilis ko siyang itinulak. "Ano ba?!" "I want you, Tahnia. I fùcking want you," seryoso niyang sambit habang hindi inaalis ang mga titig sa akin. "And I don't think I can stop myself from wanting you." Hindi ko mapigilang ma-frustrate. "Seb, naririnig mo ba ang sinasabi mo? You're probably out of your head," hindi makapaniwalang saad ko. "You're with my mother already. Paano mo nasasabi ang lahat nang 'to sa akin; sa anak ng babaeng papakasalan mo?" Dama ko ang bigat ng pakiramdam ko. It doesn't sit well with me, and it never will. "How can you still face my mother even after saying and doing all of this to her daughter?" pangongonsensya ko. "Gano'n na ba talaga katigas ang puso mo?" Hindi siya sumagot. He just looked at me with a blank expression. "Please, palayain mo na lang ang ina ko. Kung hindi mo siya mahal, just let her go," mahinang saad ko saka napailing. "I love my mother so much, Seb. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan, nor I can ever imagine her getting hurt," sinserong dagdag ko. "So please..." "If letting her go means having you, then I'll do it." Umawang ang bibig ko. Akala ko baliw na siya, pero mas may ikakabaliw pa pala siya. "Ano? Para mo na ring sinabing papalitan ko ang puwang na iiwan ng ina ko." "Tahnia, kahit anong sabihin mo sa akin; kahit anong pagongonsensya mo, it will never change the fact that I fùcking want you." I looked at him, frustration painting my whole face. "Ano bang kailagan kong gawin para tumigil ka na? Just tell me and let's settle things here and now!" inis kong sabi. "You know what I want." "Hindi. So you better tell me." "Ikaw. Ikaw ang gusto ko. It's you that I want. Kaya mo bang ibigay ang sarili mo sa akin?" Natigilan ako sa sinabi niya. I froze with my mother's face floating in my head. At hindi ko mapigilang ma-guilty. Hindi ko mapigilang masaktan para sa ina ko. I can't imagine the pain she will feel if ever she finds out that she's marrying the wrong man for her; that she's marrying a man who screwed her daughter. Pero hindi ko rin kayang makita siyang malungkot dahil iniwan siya ni Sebastian. Ilang taong nagtiis ang ina ko na walang katuwang sa buhay. Ilang taon niyang isinantabi ang sarili niyang kaligayahan para sa akin. At ngayong nakatagpo na siya ng lalaking para sa kanya; lalaking bumihag sa puso niya, susuportahan ko siya. I will do everything I could just to keep them together—kahit pa dungisan at yurakan ko ang dangal at dignidad ko. "Sige," pagpayag ko kay Sebastian. Huminga ako nang malalim saka ako tumingin sa kanya nang diretso. Pagod na rin ako kakaiwas sa kanya. Pagod na ako sa laro niya, so I am putting an end to it. "You can have me, Sebastian. Pero ang katawan ko lang. Isang gabi lang." Kita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi niya. "Are you sure?" "Pero pagkatapos nito, tumigil ka na. Mag-focus ka na sa mama ko," matigas kong sabi. "Tigilan mo na ako." "Okay; deal," aniya saka tumingin nang diretso sa aking mga mata. "So, you're mine tonight, huh?" "Para sa ikakatahimik mo," walang gana kong tugon. "Sana tumupad ka sa usapan." "Well, you have my word," aniya at pinaandar na ang sasakyan. --- Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Dahil buong biyahe ay nakatulala lang ako habang iniisip si mama. Kinakain ako ng konsensya ko. Pero wala akong maisip na ibang paraan. Para na rin tuluyang maibaon sa limot ang namagitan sa amin ni Sebastian. "We're here," aniya, at doon pa ako napatingin sa unahan namin. "This is my rest house. No one's here other than the caretakers and security,"dagdag pa niya saka tuluyang ipinasok ang sasakyan sa loob ng maliit na garahe. Pagkatapos ay nauna na siyang lumabas at pinagbuksan ako. Pagkababa ko ay nadatnan ko siyang kausap ang dalawang matandang lalaki at babae na tingin ko'y mga caretaker ng rest house. "Sige po, gov," pagtango ng mga ito saka mabilis na umalis. Doon na lumingon sa akin si Sebastian. "Pasok na tayo." Tumango lang ako sa kanya at tahimik na sumunod. That's all I could do. Dahil hindi ko na rin alam sa sarili ko kung tama ba talaga itong ginagawa ko. But I don't have a choice. I have to put an end to this bullshít. Isang gabi lang naman. What difference would it make compared to that night we shared five years ago, right? I can just get over it with no worries.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD