Tahnia’s Point of View I didn’t know acting that everything is alright and that I know nothing about my partner’s plan would be this hard. Sobrang hirap ngumiti kahit sa loob-loob mo ay parang dinudurog ka na. Sobrang hirap tumingin nang diretso sa mga mata niya at umaktong ayos lang ang lahat. Ang hirap magsinungaling. Ang hirap umaktong wala akong dinadamdam. Every second I spend while waiting for the time to uncover his deeds feels like death to me. Bawat segundo ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Para akong hindi makahinga. “Baby, I’ll be out for a bit later, okay? May aasikasuhin lang ako.” Kumabog nang pagkalakas-lakas ang dibdib ko nang sa wakas ay magpaalam siya. Akala ko aalis siya nang walang pasabi . “Saan ka?” I casually asked, scanning his face with wonder. “

