Tahnia's Point of View Alam kong para ko na ring kinain ang mga isinuka kong salita, pero hindi ko talaga mapigilang bumigay sa kanya. May parte sa pagkatao ko na tila nabubuo sa piling niya, and I can't escape it. I keep wanting it—the feeling of being whole. "Seb...." hirap kong pigil sa kanya. He's drunk. And I don't want to do things with him while he's under the influence of alcohol. "Umuwi ka na." "I don't want to go home, Tahnia..." bulong niya sa akin at sinimulan akong halikan sa aking leeg, dahilan para mapakapit na lang ako sa balikat niya. "I want to stay...right here...right with you," dagdag niya sa pagitan ng kanyang mga halik. "You wanna stay? Ikaw nga 'tong nagtataboy sa akin," matigas kong sabi. "You were the one who suddenly acted cold and indifferent towards me."

