Alas tres na, pero bukas pa rin ang mga mata ko sa sobrang daming bagay na pumapasok sa isipan ko. Isa na roon ang pangalang binanggit ni Sebastian kanina. I couldn't stop wondering kung sino ang babaeng 'yon sa buhay niya. Was she someone special? Was she his girlfriend? Or was she more than that? Napabuga na lang ako ng hangin saka binalingan ang katabi kong mahimbing na natutulog. Kay payapa ng mukha niya. Kay amo. I gently caressed his angelic face before flashing a bitter smile. Marahan ko itong tinapik. "Seb..." paggising ko sa kanya. "Sebastian..." muli kong tawag. Makailang beses kong tinapik ang pisngi niya bago siya tuluyang nagising. Mamungay-mungay ang kanyang mga mata nang tumingin siya sa akin. "T-Tahnia?" aniya na para bang nagulat pa siya nang makita ako. "W-Where a

