Tahnia's Point of View “Hindi ka pa nga pwedeng lumabas! We still need to check your wounds, and your overall health, okay?” matigas na sabi ni Calvin kay Sebastian matapos nitong mangulit na gusto na nitong lumabas at sa mansyon na lang magpagaling. Pang-isang linggo na kasi ngayon ni Sebastian sa ospital, at araw-araw ay binibisita ko siya at ako mismo ang nag-aalaga sa kanya. At sa mga araw na ‘yon ay pansin ko ang tila pag-iiba ng ugali niya—not in a bad way, but in a good way. He’s more gentle with me, and often sweet. He would randomly hold my hand, tell me how beautiful I am, and would even promise me to bring me to places kapag nakalabas na siya rito. “Nakuha mo ba, Sebastian?” “I am fine, Calvin. It’s my body, so I know I am fine.” Halos magtagpo ang kilay ng gwapong dokto

