“Gosh anong klaseng parusa ang gagawin niya? Mahinang sabi ni mace sa kanyang sarili Wala na si marco sa kanyang harapan ay tulala pa din si mace at nakatitig sa pintuan ng banyo kung saan pumasok si marco. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at hindi pa rin nawawala ang bilis ng pagtibok nito. Paroo't parito ang lakad niya dahil sa sobrang kaba dahil ito yung pangatlong pagkakataon na makakasama niya ulit si marco sa iisang kwarto lang. “Eto na ata yung sinasabi ni leonard? Umiling iling siya dahil sa kanyang naiisip. Narinig niyang nagring ang kanyang cellphone at kaagad niya itong kinuha sa bag. Nakita niyang si leonard ang tumatawag huminga muna siya ng malalim para hindi mahalatang kabado siya bago niya ito sinagot. “yes leonard? “Ooow! Mukhang masaya na tayo ah! Nadiligan ka na?