Wala akong maintindihan simula kanina pa sa seminar puro na lang si mace ang naiisip ko. Gusto kong matapos na kaagad ito para mapuntahan ko na siya. Kanina pa ko tingin ng tingin sa relo kong pambisig magtatanghalian na pero hindi pa rin natatapos ang seminar, hindi na ko mapakali gusto ko na ulit siyang makita at mayakap. Natatakot ako baka mamaya pagbalik ko sa kwarto ay wala siya at baka bumalik na naman siya sa states. Mag-aala una na natapos ang seminar at mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan ngunit hindi pa ko nakakahakbang ay may humawak na sa aking braso. “Why? Hinarap ko si trixie at tinignan ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso, unti unti naman niya tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak. “S-sabay na tayong k-kumain sa baba” pilit siyang ngumiti. “Sorry pero