CHAPTER 14

1728 Words
"Doc Marco wait lang!!! tawag ko sa kanya habang hinahabol siya sa kahabaan ng corridor. Huminto naman siya sa paglalakad ngunit nakatalikod pa rin sa'kin. Nang maabutan ko na siya at saka lamang siya humarap. Hinihingal pa ko at sapo ko naman ang aking dibdib. "San ka pupunta doc marco? uuwe ka na ba? "yeah" what do you want Ms. Brilliantes? Seryoso niyang tanong. "Hindi ka ba natuwa sa kinanta ko? actually para sayo talaga yon eh, Nakangiti kong wika sa kanya. Nakatitig pa din siya sa'kin habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa. "Do you like me Miss Brilliantes? tanong niya sa'kin na siyang ikinagulat ko, At heto na naman ang puso ko na ayaw magpaawat sa biglang pagtibok nito. "D-doc hindi pa ba obvious"? nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipgsabayan sa kanyang mga titig. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago siya muling nagsalita. "Panahon na siguro para itigil mo na kung ano man yang nararamdaman mo sa'kin" Pagkasabi niyang yon ay saka lang ulit ako nag-angat ng mukha, dun ko na sinalubong ang kanyang mga titig. Walang ekspresyon ang kanyang mga mata kaya hindi ko mabasa kung ano man ang nasa isip niya. "Wag mo naman sabihin sa'kin yan doc marco, hindi ko naman kayang pigilan tong nararamdaman ko eh" "Bakit mo ba ko gusto"? "Kailangan bang may dahilan kapag nagmahal ka? kusa ko tong naramdaman akala ko nung una wala lang to, hanggang sa palagi na tayong pinagtatagpo, don ko nalaman kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko" garalgal kong sabi sa kanya, na siya namang ikinaiwas ng tingin niya. "Hindi mo ba talaga ko magugustuhan? "I'm sorry" sa sinabi niyang yon ay doon na pumatak ang kanina ko pa pinipigilang luha. Unti unti naman akong lumapit sa kanya na siyang kinagulat niya. Sobrang lapit na namin kaya naman hindi na ko nagdalawang isip pa, tumingkayad ako at mabilis siyang hinalikan. Nakita kong nanlaki pa ang kanyang mga mata sa gulat. "I'm sorry din Doc Marco pero hindi ako susuko sayo. Umalis na ko at iniwan ko na siyang mag-isa sa corridor. Nang makalabas na ko sa mismong eskwelahan ay mabilis kong hinawakan ang aking dibdib. "shet! hinalikan ko si doc marco!! ano ng mukha kong ihaharap niyan bukas!? Sa isipin kong yon ay ginulo ko na lang ang sarili kong buhok. Napagpasyahan ko na lang na hindi na sumabay kay JK baka mahalata na naman ako nun na balisa. Ayokong malaman niya ang kagagahang ginawa ko. JK POV Habang kumakanta si Macelyn hindi ko mapigilang hindi siya pakatitigan, yon yung kinanta niya noong highschool kami. Iyon din ang dahilan kung pano ko siya nakilala. Naglalakad ako papuntang classroom ng makarinig ako ng mala anghel na boses. Ang ganda ng boses niya. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tinig na yon. Hanggang sa nakita ko ang isang babaeng kumakanta habang nakapikit. Mag-isa lang siya sa silid at seryosong kumakanta kahit walang music. Nang matapos na siyang kumanta saka lang siya nagmulat ng kanyang mga mata. Nagulat pa siya ng makita ako sa kanyang harapan, nakaupo siya sa silya at nakatayo naman ako sa kanyang harapan. Simula noon nagkaroon na ko ng interes sa kanya, nakipagkaibigan ako para lang mapalapit kay macelyn. Pinaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kagusto, pero alam kong kaibigan lang din ang turing niya sa'kin sa una pa lang. Pero kahit na ganon ay ayos na sa'kin basta napapasaya ko siya at malapit lang siya dito sa'kin. Pagkatapos kumanta ni macelyn ay mabilis siyang bumaba ng stage, kaya naman sinundan ko na siya king saan siya pupunta. Napahinto ako ng bigla niyang tinawag si doc marco, nagtago ako sa likod ng pader para lang hindi nila ako makita. Narinig ko pa ang mga katagang sinabi ni macelyn kay doctor marco. "Ganon na ba kalalim ang pagkagusto niya sa doctor? Habang pinakikinggan ko ang mga sinasabi niya ay ako naman ang nasasaktan. Sinulyapan ko siya at nakita ko ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Sana ako na lang ang rason ng mga luha mo at ako din ang rason kung bakit ka masaya. Sana ako na lang. At ang hindi ko inaasahan ay ang huli niyang ginawa na siyang lalong nagpasakit sa'kin...Nagpasya na lang akong bumalik sa loob. Habang nasa taxi ako at pauwi, iniisip ko pa rin yung ginawa ko. Hindi ko alam kung pano ko siya haharapin nito bukas. Napasandal ako at pumikit ng mariin, naalala ko yung sinabi ni doc marco na itigil ko na kung ano man yung nararamdaman ko sa kanya. "Pano ko naman gagawin yun? napipigilan ba yon? Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Bumaba na ako ng taxi at matamlay na pumasok ng bahay. Naabutan ko pang masayang nagkukwentuhan sina kuya at nana lumen sa may salas "Hija andyan ka na pala, kumain ka na ba? Masayang bati ni nana lumen sa'kin "busog pa po ako nana lumen, akyat mo muna ko sa kwarto ko" pilit kong ngumiti para lang hindi nila mahalata ang lungkot ko. Bago pa ko makahakbang sa hagdan ay tinawag na ko kaagad ni kuya. "Baby girl" lumingon naman ako kaagad sa kanya. Pinilit kong kumilos ng normal sa harapan niya. "Yes kuya"? "Dadalhan kita ng pagkain mo sa kwarto kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot". "Sige kuya, akyat muna ko para makapagpalit ng damit. Tumango naman siya kaya umakyat na din ako kaagad. Kakatapos ko lang maligo at nakapagpalit na din ako ng pantulog ko ng kumatok si kuya. Pinagbuksan ko ito kaagad at may dalang tray ng pagkain at sa gilid nito ay ang gamot ko. Nilapag niya ang tray sa gilid ng kama ko at hinarap ako habang nagpapatuyo ako ng aking buhok gamit ang maliit na tuwalya. "Baby girl whats wrong"? Napatigil ako bigla sa kanyang tanong. "Bakit kuya"? Anong ibig mong sabihin? pinilit kong hindi mabulol ng pananalita sa kanya. "I know you mace, now tell me whats wrong"? Whats bothering you? Ganito na ba talaga ko kakilala ni kuya? Kahit pilit ko ng tinatago nalalaman niya pa rin? "Kuya, bago pa ulit ako makapagsalita ay tumikhim muna ko na para bang may bumara sa aking lalamunan. "Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang magmahal ng taong hindi ka naman gusto" Nakayuko ako kay kuya habang sinasabi ko ang mga katagang yon. "Mace" nasabi na lang niya sa'kin. "Kuya bakit hindi niya ko magawang magustuhan? pangit ba ko? o baka dahil maging pabigat ako dahil sa sakit ko? "Don't say that baby girl okay? you're not a burden, and you're not ugly, you're such a sweet and loving girl". Baka siguro hindi lang talaga siya ang itinakda para sayo" malungkot niyang sabi sa'kin habang hawak niya ang magkabilang balikat ko. "Pero kuya si doctor marco mendez lang ang gusto ko! siya lang ang lalaking nagpatibok nitong puso ko, gusto ko din namang maranasang mahalin kahit sandali lang" hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa sobrang sakit, kung alam ko lang na ganito pala kasakit hindi na sana ako nagmahal. Pero anong magagawa ko kung siya talaga ang tinitibok nitong puso ko. Niyakap ako ng mahigpit ni kuya, kahit papano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Malalim na sa gabi pero hindi pa din ako makatulog, at hindi pa din tumitigil sa pagluha ang mga mata ko. Nagising ako kinaumagahan na mabigat ang mga mata ko, hindi ko na namalayan kung anong oras na ko nakatulog kagabi. Bumangon na ako kagad sa aking kama at sinimulan na ang aking morning routine. Nagligo na kaagad ako at nagtoothbrush, pagkatapos ay nagbihis na ng aking uniporme. Medyo masama din ang pakiramdam ko pero pinilit kong pumasok dahil kailangan ang attendance para sa buong araw dahil foundation day. Bumaba na ako at dumerecho na sa dining naabutan ko si kuya na nagkakape na. Binati ko siya at si nana lumen. "Good morning kuya good morning nana lumen" masigla kong bati sa kanila, "Sige na hija umupo ka na at ipaghahain na kita" "Salamat po" "baby girl are you okay"? "Yes kuya dont worry" "Are you sure? bat parang namumutla ka? "Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi" "Sige na kumain ka na para makainom ka na ng gamot. Tumango na lang ako sa kanya. Hinatid muna ko ni kuya sa school at umalis na din siya para pumasok sa trabaho. Dahil maaga pa naman ay pumunta muna ko sa library para manghiram ng libro. Habang tinatahak ko papuntang library ay medyo nakakaramdam ako ng hilo, kanina pa masama ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa rin pumasok tutal nakainom na din naman ako ng gamot. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan ako ng malamig. Nakapasok na ko sa library nang makasalubong ko si doc marco, nagulat ako ng mapatingin siya sa'kin. "G-good morning po d-doc marco" Nauutal kong sabi na sa ibang direksyon ako nakatingin. "Good morning din, saglit muna na katahimikan at siya na rin ang bumasag. "Yung kahapon___ bago pa niya masabi ay pinutol ko na kagad kung ano man ang sasabihin niya, ayoko ng madagdagan ang sakit na nararamdaman ko. "Sige po doc marco, mauna na ko hihiram oa kasi ko ng libro. Lalakad na sana ko ng hawakan niya ko bigla sa braso na siyang ikinasinghap ko. "You look pale mace, may sakit ka ba? tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso. "o-okay lang po ako" "You're not okay doctor ako kaya alam ko" "Wag na po kayong mag-alala okay lang po talaga ako, sige dito na ho ako. Tumalikod na rin ako kaagad, ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kanya parang biglang kumirot ang dibdib ko kaya napahawak ako dito, hindi ko na lang pinahalata dahil alam kong hindi pa nakakaalis si doc marco. Pero hindi ko na talaga matiis nakakaramdam na din ako ng pagkahilo, at unti unti na ding kumikirot ang dibdib ko. Kung kayat napaluhod ako at hawak ko ang aking dibdib. aaaaaaaah!!!! Ang sakit!!! sigaw ko na nakatawag ng pansin sa mga estudyante na naroroon sa loob. Mabilis na lumapit sa gawi ko si doc marco. "Mace are you okay!? May pag-aalalang sabi niya habang hawak ako sa magkabilang balikat. Hindi na ko makasagot dahil hinahapo na din ako. "Dadalhin kita sa ospital okay! Ang huli ko na lang naalala ay ang pagbuhat niya sa'kin bago ko nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD