Dahan dahan akong nagmulat, medyo nakakaramdam pa ko ng pagkahilo. Nakarinig ako ng tila may nag-uusap malapit sa aking tabi. Nakita ko si JK at Doctor marco na nakatayo sa aking harapan kung saan nakahiga ako sa hospital bed. Napasulyap naman si JK sa'kin kaya't kaagad siyang lumapit sa akin.
"What happen? mahina kong sabi sa kanya, at lumapit na din sa kabilang gilid ko si doctor marco.
"You collapse Ms. Brilliantes" si doctor marco ang sumagot. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, nag-iwas ako ng tingin sa kanya at kay JK ako bumaling.
"Gusto ko ng umuwi" tatayo na sana ako ng pigilan ako ni jk.
"Hindi ka pa pwedeng umuwi mace mahina ka pa, antayin muna natin si kuya mazer"
"Did you tell kuya"? tumango lamang siya
"kailangan malaman ng kuya mo mace"
"Lalo lang siyang mag-aalala sa'kin" malungkot kong wika kay JK.
"Lalo siyang mag-aalala kapag higit pa ang nangyari sayo kanina" Mataman lang nakatingin samin si doc marco na tila walang alam sa pinag-uusapan namin. Maya maya ay dumating na si kuya mazer na humahangos pa at lumapit kaagad sa'kin. Niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan ang aking buhok at saka ako hinarap.
"Baby girl are you okay? What happened?
"May masakit pa ba sayo? sunod sunod niyang tanong sa'kin na ikinangiti ko naman.
"Okay na ko kuya, sumama lang kasi ang pakiramdam ko.
"Dapat kasi hindi ka muna pumasok kanina at nagpahinga"
"Siyanga pala kuya si doc marco, siya ang nagdala sa'kin sa ospital" pakilala ko kay kuya, nilahad naman ni doc marco ang kanyang palad at kinuha naman ito ni kuya.
"Thank you doc marco for bringing macelyn here"
"Its my duty as a doctor" at isa pa, andon din kasi ako sa lugar kung san siya nawalan ng malay.
"So, is she really sick? sasagot sana si kuya ng biglang dumating ang doctor ko, si Dra. Ramirez.
"Hi macelyn! are you feeling better? masayang bati ni dra. ramirez.
"yes po dra. ayos na po ako, nanghihina kong sagot kay dra.
"Iwasan mo lang ang sobrang mapagod, at lalong lalo na ang mastress, hindi ba't sinabi ko na sayo yun?
"o-opo dra. ngumiti ako ng pilit. Napansin naman ni dra. si doc marco
"Nandito ka pala doctor marco, kakilala mo ba si macelyn?
"yes po dra. don po kasi ko nagtuturo ngayon sa school na pinapasukan nila.
"Ah oo nga pala ikaw pala muna ang pumalit kay doc galvez. Tumango lamang siya.
"Kelan pala ang balik mo dito?
"Last day of teaching ko na po bukas, the next day papasok na din po ako kagad dito.
Last day na pala ni doc marco bukas, nalungkot naman ako bigla sa sinabi niyang huling araw na niya magtuturo bukas. Naramdaman ko ang mariing pagpisil ni Jk sa aking kaliwang kamay. Ngumiti naman siya ng matamis sa'kin at ginantihan ko din siya ng matamis na ngiti. Alam niyang nalulungkot ako sa pag-alis ni doc marco.
"Mabuti naman kung ganon, kasi balita ko hinahanap ka na ng mga pasyente mo, nangingiting sabi ni dra. ramirez. "kahit pala sa mga pasyente niya bentang benta din siya, hindi lang sa mga estudyante.
"Siyanga pala Mr. Brilliantes can I talk to you in private? seryosong baling niya kay kuya.
"Dito ka muna mace ah, babalik ako kaagad, pagkasabi niyang yon ay hinalikan ako ni kuya sa noo at mabilis na lumabas ng kwarto kasunod ni dra. Ramirez.
"Ahmm...Doc Marco, sige na balik ka na sa school baka kasi marami ka pang gagawin at isa pa last day mo na rin bukas para maayos mo na rin ang mga dapat mong ayusin" habang sinasabi ko yun ay siya namang ikinalungkot ko, hindi ko na makikita araw araw si doc marco. Ayos na din siguro to para kahit papano mabawasan naman yung sakit na nararamdaman ko, lalo na sa tuwing maiisip ko yung sinabi niya.
"S-sige pagaling ka" JK ikaw na ang bahala sa kanya,
"Sige po doc ingat ka" At saka lumabas na ng kwarto si doc marco.
"Mace okay ka lang"? tanong ni JK na may halong pag-aalala.
"okay lang ako JK"
"Nagugutom ka ba? anong gusto mong kainin? Nakangiti niyang wika sa'kin
"Mamaya na lang ako kakain pagbalik ni kuya"
"Okay sige magpahinga ka muna" kinumutan na niya ako at saka pumikit, medyo nakakaramdam na din kasi ako ng antok, dahil siguro hindi ako masyadong nakatulog kagabi.
"Mr Brilliantes have a sit" naupo naman si Mazer sa visitors seat ni dra. Ramirez sa harap ng table niya.
"Niresetahan ko si macelyn ng bagong gamot niya, yun na ang ipainom mo sa kanya simula ngayon"
"Bakit po dra. hindi na po ba umuubra sa kanya yung dati niyang gamot? saglit munang natahimik ang doctor at saka muling nagsalita.
"Base kasi sa laboratory niya hindi na masyadong healthy yung puso niya, mapapadalas din yung pagkahilo niya kaya binigyan ko siya ng gamot para don. "Bawal din ang mastress sa kalagayan niya ngayon, hanggat maaari gawin niyo kung ano yung makakapagpasaya sa kanya. Saglit na hindi makapagsalita si mazer sa sinabi ng doctor.
"Gagaling pa naman po yung kapatid ko hindi ba"?
"Maybe Mr. Brilliantes" malungkot namang wika ng doctor kay mazer.
"W-what do you mean doc"?
"Hindi na masyadong normal yung heartbeat ni macelyn, hindi katulad ng dati. Pwede siyang sumailalim sa heart transplant pag nagkataon.
Napamaang na lang si mazer sa narinig sa doctor. Nakalabas na siya ng opisina ni doctor ramirez pero para siyang lutang na hindi maintindihan dahil sa mga narinig niya sa doctor. Pabalik na si mazer sa kwarto ni macelyn ng makasalubong niya si Marco.
"Aalis ka na doc marco"?
"ah oo babalik muna ko sa school last day ko na rin kasi bukas pagkatapos babalik na din ako dito sa ospital.
"Ah ganon ba? pwede ba tayong mag-usap doc marco kahit ilang minuto lang?
"Ah sure! niyaya siya ni doc marco sa opisina nito. Pinaupo naman siya nito sa sofa.
"Ano nga palang pag-uusapan natin? panimula ni Marco.
"Macelyn likes you so much" Hindi kaagad nakapagsalita si marco sa sinabi ni mazer. Napansin naman ni mazer ang pagyuko ni marco at pinagsiklop nito ang dalawang kamay niya.
"Masaya siya habang kinukwento ka niya sa'kin dahil nakikita ka niya sa school. Nakita ko kung pano siya naging masaya. Excited siya lagi pumasok kasi makikita ka niya. Ngumiti naman si marco ng pilit kay mazer at muling nakinig sa kanyang mga sinasabi.
"Nakita ko din kung pano siya nasaktan". Alam ko namang wala kang gusto sa kapatid ko, pero sana hayaan mo na lang na mahalin ka niya, kasi don siya masaya. "Wag mo sanang iparamdam sa kanya na hindi mo siya gusto" dahil ayokong makita siyang nasasaktan. Malungkot na turan ni mazer. Hindi naman malaman ni marco kung ano ang sasabihin niya sa kapatid ni macelyn sa mga nalaman niya.
"Si m-macelyn, so its true that she's sick? naitanong na lang ni marco. Tumango lamang si mazer at saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Akala ko nagbibiro lang siya ng sabihin niyang may sakit siya.
"Ganon siya, hindi niya sineseryoso yung sakit niya dahil ayaw niyang malungkot sa tuwing naiisip yon, at lalo na ayaw na ayaw niyang nag-aalala yung mga taong malalapit sa kanya.
Nakaalis na si mazer pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tumatayo sa kinauupuan niya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ng kuya ni macelyn. Sumandal siya sa mahabang sofa at pumikit. Iniisip niya si macelyn dahil alam niyang nasaktan niya ito.